Nakatingin lang sa labas ng bintana ng ospital si Claudia. Hindi pa rin siya payagan ng doktor na lumabas. Nagbilin pa dalawang co-teacher nito na hintayin silang matapos sa mga klase nila at sila ang maghahatid kay Claudia pauwi ng bahay. At iyon nga ang ginawa ng doktor. Ilang sandali pa ay nakarinig si Claudia ng pagkatok. Doon bumungad sa kanya si Sir Jacob at si Ma'am Lane. "Kumusta na ang pakiramdam mo?" sabay pang tanong ng dalawa. Kaya natawa silang tatlo. "Maayos na. Pasaway lang kayong dalawa. Sana ay nakabalik pa ako ng school kung hindi ninyo ibinilin kay doktora na kayo ang susundo sa akin." "Paano itong si Ma'am Lane hindi magkaintindihan kung paano magpapaiwan dito sa sobrang pag-aalala sa iyo. Kahit ako rin naman at ang iba pa nating kapwa guro." "Aba naman Ma'am Claud

