COLT Napunta na naman kami sa isang game kung saan napaka-hunted ng lugar at nasa entrance kami ng malaking pinto. “Alam mo ba ang larong ‘to?” Lingon ko kay Lynx sa gilid pero hindi siya nagsalita umiling lang siya habang naka-pokerface. Hindi ko na pinansin at dahil kanina pa ata siya ganyan bago pa kami pumasok dito sa game, kaya tumingin na lang ako sa mga iba pang player dahil marami kaming player na nasa labas ng malaking pinto. Ang iba ay natatakot at ang iba naman ay excited pero kami ni Lynx wala kaming alam. Habang tumitingin ako sa paligid, nag hahanap na rin ako ng pwede pag tanungan ng kung anong mangyayari sa larong ito tsaka kung anong rules at iba pang pero wala na akong balak makipag kaibigan dahil baka mangyari lang ulit sa amin ang nangyari sa amin sa B.O.P. Kinalab

