COLT “I don’t get it and also I don’t get it you three.” Turo ko sa kanila isa-isa. Nginitian lang ako ni Night pero para bang sinasabi niya sa akin na hindi ako nag-iisip habang si Day naman ay naiinis pa rin sa akin pero si Eve? Totoo lang nakangiti lang sa akin. Hinatak niya si Night para mag palit sila ng pwesto. Paglapit sa akin ni Eve hahawakan sana niya ako sa braso pero tinigtigan ko siya pati na ang kamay niya. Nakahalata naman siya na ayaw kong mag pahawak, kaya hindi niya nagawa ‘yon. Ihaharap niya lang sana ulit ako sa malaking screen pero ako na rin ang gumawa, hindi naman niya kailangan gawin ‘yon. “That is really you and this is-” tigil niya sa pagsasalita dahil may ginalaw pa siya sa parang laptop na nasa harapan namin. “Me,” tuloy na sabi niya kasabay ng pag pindot

