Chapter 4 - Battle of Wits

1167 Words
COLT Hindi ako bumaba kaagad ng building matapos kong makita ang pangalan ko sa itaas ng langit dahil confuse pa rin ako kung nasaan ako hanggang sa lumabas na lang ang pangalan ng laban namin “Battle of Wits.” Sa una hindi ko pa matandaan kung ano ang bagay na ‘yun pero sa dulo ng utak ko parang pamilyar ang larong ‘yon. “Aaaa,” ani ko habang nagpa-panic hanggang sa maala ko kung ano at paano laruin ang larong ‘yun pero bigla na lang may lumabas na itim na kulay kasabay ng mga alphanumeric code sa ilalim ng mga paa kung saan ako nakatapak papataas sa katawan ko hanggang sa lumulubog na ako at hindi makagalaw kaya hindi ako mapigilan ang paglubog ko. “Tulong.” Abot ko ng kamay ko sa lalakeng malapit sa akin pero tinawanan niya lang ako hanggang sa tuluyan na akong lumubog. “Easy ka lang hindi ka pa mamatay,” ani niya bago magsara ang itim na portal sa kung saan ako lumubog kanina. Napunta ako sa malawak at itim na lugar na puno ng alphanumeric code sa bawat paligid pati na sa itaas ko at tinatapakad ko. Lumabas ang isang lalake na naka-hoodie katulad ng mga babae at batang nakita ko kanina matapos kong pumasok kung ano man ang lugar na ‘to “Do you want to cancel your battle?” tanong niya sa akin habang naka-indian sit sa ere pero hindi ako sumagot kaagad dahil nagtataka pa nga ako kung anong nangyayari ngayon sa akin. “Your enemy is waiting for you.” Inilahad niya ang kamay niya sa kanan niya at lumabas ang isang screen kung saan makikita ang babaeng may pangalang Anna Rashid. Parang naalala ko ang pangalan na ‘yun pero hindi ko matandaan kung saan ko nakita kaya hindi ko mabanggit. “Do you want to cancel your battle?” tanong nito uli sa akin habang ina-alala ko kung saan ko nakita ang pangalan na Anna Rashid. Lumapit sa akin ang lalakeng naka-hoodie at hinawakan kaagad ako sa ulo. “I see,” ani niya habang nakahawak pa rin sa ulo. Sinubukan kong hawiin ito pero ang tigas ng kamay niya kaya hindi ko to natanggal. “Aray,” ako pa ang nasaktan matapos kong hawiin siya ulit ng may lakas na. “We don’t have time Colt Trevor so consider this as a gift.” Hinawakan niya ng mabuti ang ulo ko at mula sa itaas niya nakita ko ang mga alphanumeric code na bumaba sa kanya at pinapadaan niya ito sa ulo niya papunta sa balikat hanggang sa ulo ko. “Your data or must be called your memories are erased during the process you got here.” Nag iba ang kulay ng mukha niya dahil imbis na black nag umpisa itong maging green pero hindi ko maaninag ng maayos dahil nagiging blur na ang paningin ko. Hindi ko na rin marinig ang sinasabi niya kung nagsasalita man siya pero bigla na lang bumibilis ang t***k ng puso ko kasabay ng mabilis na pag balik ng mga alaala ko hanggang sa mag dilim na ang paningin ko at bumagsak ako. Nagising na lang ako ng maramdaman kong may tumutusok sa akin. “Ugh,” ani ko habang bumabangon at nakahawak sa ulo ko. “Kaya mo pa bang lumaban?” tanong sa akin ng isang babaeng boses, hindi ko makita ang mukha niya dahil nakababa pa ang tingin ko at nanlalabo pa rin ang pareho kong mata, kaya halos paa lang ang makita ko dahil nakatayo siya sa harapan ko pero bigla siyang umupo sa harapan ko at tinaas ang baba ko. “Sabihin mo lang kung lalaban ka na pero may time limit ka.” Tingin niya sa gilid namin habang nakaturo ang nguso niya kaya napatingin din ako at don ko nakita ang oras na 5 minutes na lang. “Sa oras na maubos yan at hindi mo pinipindot ang ready sa battle option mo mamatay ka,” nakakatakot niyang sabi kaya nataranta ako. Tumingin ako sa mukha niya at kinapa ko kaagad ang mga bulsan ng suot kong damit para hanapin ang battle option na sinasabi niya. “Nasaan?” tanong ko habang nakaupo pa rin sa lapag. Tinapik niya ang kanang dibdib ko at lumabas ang battle option sa itaas ko. “Ready.” Turo niya sa icon. “Or cancel.” Turo niya naman sa icon ng cancel at tumayo na habang ako nakaupo pa rin sa lapag. Naghiyawan ang mga tao ng pumwesto na ang babaeng lumapit sa akin kanina kaya tumayo na rin ako at tumingin sa paligid. Hindi ko muna pinindot ang ready icon dahil hindi ko alam anong gagawin ko pagni-ready ko na ang laban. “Ano nga palang laban ito?” tanong ko muna sa babae lumapit sa akin kanina. “Battle of Wits,” sagot niya at tumuro siya sa taas kaya napatingin ako at nakita ko ang pangalan niya at pangalan ko. “Colt Trevor vs Anna Rashid.” “Anna Rashid,” bulong ko at ibinalik ko ang tingin sa kanya. “Mabuti pa tapikin mo naman ang kaliwang balikat mo para makita ang weapon option mo.” Tapat niya ng hawak niyang want sa akin. Ginawa ko ang sinabi niya at lumabas nga ang weapon option ko pero walang laman ito. “Anong gagawin ko dito?” nilibot ko ang tingin ko sa weapon option ko hanggang sa makita ko ang maliit na button sa pinaka baba ng weapon option. “Restore your Data.” Agad ko tong pinindot kahit pa hindi ko alam anong mangyayari. “Wait for 3 minutes to restore all data in your account.” Tumingin ako sa gilid ko kung saan nakalagay timer. “2:59 minutes?!” sigaw ko haang natataranta, kaya pinindot ko kaagad ang kanan kong dibdib para makita ko ulit ang battle option. Naisip ko rin na ilabas na para ma-ready kung sakaling sumakto ang oras sa pag restore ko ng lahat ng data ko. 2 minutes na ang nakalipas at 59 seconds na lang ang natitira sa akin kaya halos nakadikit na ang daliri ko sa ready icon pati na sa weapon option ko habang ang nagngangalang Anna Rashid naman at tinapat na sa akin ang hawak niyang wand na parang papatayin ako sa oras na mapindot ko ang ready icon. Nagpalipat lipat ang tingin ko sa oras na natitira sa kain pati na sa dalawang option na nasa harapan ko dahil ilang segundo na lang ay hindi ko alam anong mangyayari sa akin pagkatapos ng timer o kung mapindot ko man ang ready. “Nga pala anong mangyayari pag pinindot ko ang cancel icon?” tanong ko sa kanya habang may natitirang 30 seconds pa sa akin. “Walang nakakaalam dahil ‘yung ibang sinubukang pindutin iyang icon na ‘yan hindi na namin na nakita pa,” sagot niya at napalunok ako sabay tingin uli sa time 25 seconds more.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD