Chapter 17 - Goodnight

1221 Words

COLT “당신은 무엇을 기다리고 있습니까?” ani ng lalakeng nasa gitna ng dalawang lalakeng pugot na ang ulo. (What are you waiting for?) Binuksan ni First ang flashlight ng baril niya habang nakatutok sa nag-iisa na lang na kalaban namin. Napatakip ito ng mata dahil nasilaw ito sa ilaw ng baril ni First pero tinapat rin kaagad ni First ang ilaw ng baril niya sa gilid ng nag-iisang kalaban na lang namin para makita niya kung ano ng nangyari sa mga kakampe niya. Hinubad ko na rin ang gamit kong night vision goggles ganun din si First dahil may ilaw naman siya sa baril. Lumapit ako sa leader ng kalaban namin habang gulat na gulat siya sa nakita niyang wala na pala siyang kakampe. Hindi siya makapag salita hanggang sa bumagsak na sa lapag ang mga kakampe niyang wala ng ulo, napaluhod na rin siya sa lapag.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD