Hindi matanggap ni Cindy ang pagkawala ni Grayson. Tulala lang siya at hindi makakain. Dalawang araw na siyang nakatitig lang sa kabaong ng kanyang anak. Kada minuto ay iniisip niya ang masasayang alala na binigay sa kanila ni Grayson. Masakit mawalan ng minamahal sa buhay. Halos mawalan ka na rin ng gana pang mabuhay. Naiisip mo rin na sana ay sumunod ka na agad sa kanya. Matagal humilom ang sugat sa pagkawala ng iyong minamahal sa buhay. It takes long time, maybe years bago humilom ang sugat. Pero hinding-hindi makakalimot ang puso at isipan. Lagi silang nandiyan at hinding-hindi mawawala. Unang araw ay hindi rin makausap ng matino si Dave. Hindi rin siya makakain o natutulog man lang. Sabay sila ni Cindy na nakatulala lang sa labi ng kanilang anak. Pero nilakasan ni Dave ang kanyang l

