CINDY'S POV DAY 2 ng aming outing. Hindi nga pala kami nakapag paalam sa aming mga magulang kaya panay tawag at text sa amin nila. Lalo na kay Dave, Zhander at Ziggy dahil mga CEO sa kani-kanilang mga kumpanya. Mabuti na lang at may masisipag silang mga managers at Vice kaya tuloy daw ang ligaya namin dito. Naisipan naming maglaro ng kahit ano. Nag-poker kami, nag-tong hits, we even played jack stone para lang malibang kami. Medyo mahapdi kasi sa balat ang tubig ng dagat. Wrong timing daw kasi kami at tag-dikya daw ngayon kaya hindi na kami lumalangoy sa dagat. Maganda naman ang view ng lugar. Sariwa ang hangin at saka tahimik. Hindi na kasi tumanggap pa ng ibang guest ang resort kasi utos ni Zhander. "Iba naman laruin natin, Ano kaya kung Kamazutra?" Tumaas-taas pa kilay ni Faye sa k

