CINDY'S POV Nagising ako nang yugyugin ako ni Grayson at nagsisigaw na nasa ibaba na daw ang Daddy niya. Nakatulog kasi kami nitong hapon. Hindi kasi muna ako pumasok sa work dahil sobra na ang stress ko. Si Dad na muna ang pinapasok ko doon at para na rin may bonding kami today ng anak ko. Medyo nagtatampo na kasi siya sa akin dahil lagi daw akong busy. Kahit kasama ko naman siya araw-araw sa office ay hindi ko siya gaanong nakakausap dahil busy naman ako. Bumabawi na lang ako sa kanya tuwing tapos na ang work ko. Minsan naman ay nandoon siya sa main clinic ng kanyang Daddy Yani. Naging pangarap niya na tuloy na maging isang Doctor din balang araw. Talagang na-spoiled na talaga ni Yani itong si Grayson. "Mommy, Wake up! Daddy's here na! Wake up, Sleepy head!" Sigaw ni Grayson habang n

