Last na 'to pahapyaw kila Minzy at Zhander sa pag-POV sa kanila. Focus na tayo sa malalanding sina Cindy at Dave. Hahaha! Thanks, Luvs! ** MINZY'S POV Nakalipas ang isang taon, Madaming nagbago. Madaming nangyari. Mapait at masaya. Nang wala siya. "Congrats, Dear. Ikaw na ang maghahandle ng planing department, Manager, Santos." Sabi sa akin ng co-worker ko na sumaludo. "Thank you," Nakangiti kong sabi. Sa isang taon ay naging mas masipag ako. Maraming nangyari sa akin. Sa amin nila kuya. Nandun 'yong pumanaw si Mama dahil sa malubhang sakit. Ilang linggo akong imiyak noon. Mahal na mahal ko si Mama. Dinamdam ni papa ang nangyari sa mama ko. Hindi siya pumapasok sa kumpanya. Naging tulala. Laging nasa kwarto niya. Nalugi ang kumpanyang pinuhan niya at kailangang ibenta ito sa iba. N

