CINDY'S POV Tuwang-tuwa si Mommy nang dumating na iyong regalo ni Dave na Brand new Car. Ang lawak ng ngiti ni Mommy habang pinagmamasdan ang kotse. Plus points nga daw para kay Dave iyon biro pa ni Ate. "Iyan lang kaya namin ni Cindy," Sabi ni Dave kay Mommy. "Iyan lang? Eh kayo nga ang may pinaka mahal na regalo sa akin! Hindi ko nga inasahan ang ganito kamahal na regalo, e." Sabi ni Mommy sa tuwa. Ang daming namangha kay Dave sa gabing ito. Nagyabang pa nga si Zhander na kaya niya daw regaluhan si Mommy ng limang kotse. Tumawa kami sa sinabi ni Zhander na akala mo daw ay isang dilag na babae si Mommy na kung pagyabangan nilang dalawa, e. Tuloy ang kasiyahan at nagsimula na rin mag-inuman si Zhander at Dave sa pool area kung saan walang bisitang pumupunta. Hinayaan ko na lang si

