When we lose someone we love, we must learn not to live without them. But to live with the love they left behind. ~ CINDY'S POV "Just push, Cindy, Kaya mo 'yan..." "No! Ayoko naaaa! Ang sakit!" Sigaw ko habang pinipilit akong pairihin ng nagpapa-anak sa akin. "Kaunti na lang, Cindy, hingang malalim then push!" He said at halatang kinakabahan din siya. Mas kinakabahan ako kung bakit ganito ang nangyari sa akin. Halos wala na akong luhang mailabas. Siguro dahil naubos na ito nitong nakaraang buwan. Halo-halo na naman ang nararamdaman kong sakit. They betrayed me. They left me behind. Ang pinaka masakit ay ang hindi ka paniwalaan ng taong mahal mo. Sinunod ko ang utos sa akin ng nagpapa-anak, ginawa ko ang lahat para lang katapos na itong paghihirap ko. Ganito pala kasakit ang man

