TODO ang iyak ko nang yakapin ako ni Dave nang mahigpit. Akala ko ipagtatabuyan niya ako nang malaman niya kung ano ang kahayupang ginawa sa akin ni Lance. "Hey, Shh, Hey, It's okay, I'm here. It's not your fault, Cindy," He said, caressing my back. Pinipilit niyang tumingin ako sa kanya. "It's fine, hush now..." "Feeling ko ang pabaya kong babae at hinayaan kong mangyari ang bagay na iyon sa akin. Ang bobo-bobo ko!" "No, you're not! Biktima ka lang at hindi mo ginusto ang nangyari. I'm glad nga na sinabi mo sa akin agad kung ano ang problema mo. Kung ano mang ang nangyari sa'yo ay hindi magbabago ang pakikitungo ko sa'yo. I'm still here at poprotektahan kita simula ngayon. And now, let me handle your situation, alone. I'll deal with that bastard! Hindi ko siya mapapatawad sa ginawa n

