Welcome na welcome si Cindy sa Pamilya ni Dave. Tuwang-tuwa ang Mommy ni Dave habang pinagmamasdan si Cindy. Unang pagkakataon pa lang nilang magkita pero ang gaan na agad ng loob nila sa isa't-isa. Maski ang kuya ni Dave ay masaya dahil magkakaroon na rin siya ng Pamangkin. Hindi nalalayo ang hitsura ng kuya ni Dave sa kanya. Mas maayos ang tindig nito at pares silang may dimples. Mas matangkad nga lang ng kaonti ito kay Dave. Tatlong taon ang kanilang pagitan. Naging masaya ang dinner nila at inalok pa ng Mommy ni Dave na si Mrs. Laura Lee na matulog sila sa mansyong iyon para naman matagal pang makasama si Cindy at makapag-kwentuhan pa sila. Nahiya pa si Cindy at tila nanliliit sa sarili dahil sa edad ng mommy ni Dave ay mukha pa rin itong fresh at looking good pa rin. Humabol nam

