CINDY'S POV HALOS GUMUHO ang mundo ko nang maabutan ko si Grayson na nakahilata at tila hinang-hina. Ang daming nakakabit sa kanya ng kung anu-ano. Hindi pa siya pwedeng lapitan. Tanging pagsilip lang mula sa labas ang nagagawa namin. May nakakabit sa bibig niya na tubo at nagsisilbing oxygen niya. Sobrang naaawa ako ngayon sa anak ko at sa murang edad ay naranasan niya ang bagay na ito. "A-ang saya niya lang kanina na naglalaro siya. Tumatawa pa siya kada hinahagis ang paborito niyang bola. Tapos... tapos..." Tuluyang umiyak si Yani habang nagkukwento. "I-I don't know, Cindy..." Sobrang mahal niya si Grayson kaya siya nasasaktan ng ganito. Itinuring niya na talaga na tunay niyang anak si Grayson. Niyakap ko si Yani na nakaupo lang habang nakatulala na pinagmamasdan si Grayson mula d

