Alyssa's P.O.V.
Ako nga pala si Alyssa Cano. 17 years old na ako. Next year... syempre 18 na ako..XD
Si Mommy Maegan lang ang meron ako. Ayaw nyang pag-usapan ang tungkol kay Dad kaya pinabayaan ko na lang.
Hindi naman sa wala akong pake sa kanya. Ayoko lang tanungin pa si Mom kasi nagbabago ang mood nya everytime na tatanungin ko sya about Dad.
So, we live far away from everyone. Nasa may bundok na part kami. Malayo sa bayan at sa mga mapanghusgang nilalang.
Kung curious kayo kung nag-aaral ako.. well, oo. Actually papunta na ako sa school eh..
"Mommy Mage alis na po ako!" paalam ko kay Mommy. Ang cool ng nickname nya noh? Well, sabi nya mga friends nya ang nagbigay ng nickname nyang yan kase raw masyado syang adik sa color na magenta.XD
"Geh! Ingat ka ah!" rinig kong sigaw nya mula sa likod bahay. Lakas ng pandinig namin noh? Well, maliit lang naman kase ang bahay namin kaya ganon.
Nagmadali akong sumakay sa bike ko kase baka ma-late pa ako. Actually 6 pa lang naman pero dahil medyo malayo kami sa bayan kung saan naroon ang school ko, kailangan ko talagang pumunta r'on ng maaga.
It's been 15 minutes simula nang makaalis ako sa bahay pero halos nasa nangangalahati pa lang ako.
15 minutes had passed pero di parin ako napapagod. Siguro kase sanay naman na ako. Ikaw ba naman simula elementary nagbabike na papuntang school eh 'di ka masanay.
Habang nag-ba-bike ako, nakaramdam ako ng parang may nagmamasid at sumusunod sa'kin. Kaya't tumigil ako at luminga. Nang walang makita'y binalewala ko ang nararamdaman at mas binilisan pa ang pag-ba-bike.
Ilang minuto ang nakalipas at sa wakas ay nakarating na rin ako sa bayan. Ramdam ko ang kakaibang tingin nila sa akin na binalewala ko lang at dumiretso na sa school.
Nang makarating ay kinadena ko ang bike ko at pumasok na.
Habang naglalakad ako sa corridor namin ay ramdam ko ang masasamang tingin nila sa akin. Dinig ko rin ng malinaw ang mga bulungan nilang nakakasawa ng pakinggan.
Nagtataka siguro kayo kung bakit masyadong sensitibo ang pakiramdam at pandinig ko noh? Well, sabihin na lang natin na hindi ako-- kami ni Mommy Mage normal.
Hindi naman sa abnormal kami pero parang gabon na nga. Ahh basta! Ang alam ko lang mas malakas kami kesa sa normal na tao. Yun na yun! period with exclamation point.!
On the way sa room namin nang buglang may humarang sa daanan ko. It was no other than the queen duo ( as they call their selves) . They're like the typical queen b*tches in schools. Syempre kung may binubully may bully. Kaya lang sa sa kasamaang palad ako yung binubully.
"Excuse me..." kiming paki-usap ko.
"Do you here that Ann - girl? Parang may nagsalita kasing isang unwan ted creature eh." sabi ni Erina na kausap si Tazanna a.k.a. Ann daw.
"Yeah... I think I do Erina.." sabi ni Tazanna.
Luminga linga silang dalawa na parang t*nga hanggang sa mapadako ang tingin nilang dalawa sa akin.
"Owww... ikaw pala yan Lyssa.." sabi ni Erina tinawag ako sa binigay nilang pet name sa akin. Ang sweet nila noh? Ang ganda pa nang pagkaka pronounce nya eh. Alam nyo ba yung lisa yung egg ba ng kuto? ganern!
Yumuko na lang ako kesa ang sagutin sya.
"Did she'd just snob you Erina? Oww... If she'd done that to me I'll not let that one pass." sabi ni Tazanna na nag trigger kay Erina na saktan ako.
Pakkk
Napaupo ako sa lakas ng pagkakasampal sa akin. Dinig na dinig pa nga ang lagapak ng pagkakasampal sa akin ni Erina eh.
Ouch ang sakit non ah! Sira talaga ang mga ulo nito! Kainis!
"Don't you dare snob me you little weatch! (weak+witch)" at sinampal nya ulit ako na naging sanhi ng pagkakaupo ko sa sahig.
Ouch ulit! Nakakarami na to ah!
As I am about to stand up and hurt them too I heard a manly and deep voice that sent chills down to my spine.
"What's going on?"