Chapter 21 Napabalikwas si Samantha ng bangon habang hinahabol ang hininga ng magising siya sa isang panaginip. Ang Nanay Rosario niya. Napahilamos siya ng mukha dahil kahit ilang taon na ang nakalipas ay nasa isip niya pa rin kung paano pinatay ang tanging tao na nagparamdam sa kanya ng pagmamahal ng isang ina. Napahikbi siya sa sakit na nararamdaman dahil kahit ilang taon pa ang lilipas ay naroon at naroon pa rin ang sugat. Ang puot at galit na nararamdaman niya sa ama. Halos masuka siya naisip niya—hindi siya makapaniwala na magagawa iyon ng isang matatawag na Ama. Masahol pa sa hayop at satanas ang ginawa ni— “I planned for almost two years this grand scheme to capture, Santiago. And I will end him before the year ends but…” “You can kill him instead.” “You can torture him, wa

