Chapter 23 “Governor Jemenia?!” bulalas ni Toni at agad na napatakbo sa pinto ng bahay. “Antonio! You don’t need to be so formal.” Ani Alejandro at tuluyan na ngang pumasok sa bahay at nilampasan lang si Samantha. “Parang wala naman tayong pinagsamahan!” “Nakakahiyang tawagin kang Alejandro lang.” Antonio whispered. Napataas ang kilay ni Samantha sa nangyayari. What? Just what the f**k is going on? Bakit paliit ng paliit ang mundong ginagalawan naming dalawa? Ano baa ng mayroon sa iyo Alejandro Jemenia? “Everyone was so shocked when you decided to quit, Antonio.” Sabi ng gobernador matapos isubo ang isang kutsarang pagkain. “Nag field trip lang tayo sa California at hindi ka na bumalik.” Inaya siya ni Toni na sumali sa hapunan and the audacity of this man to sit along with them in

