Chapter 18 “Pasensya ka na at makalat.” Ani Toni ng binuksan niya ang pinto at nagkukumpulan na Leggos sa sahig at mga balat ng chichirya. To the shock of Samantha—the main house of Toni is pretty decent. Hindi naman masyadong malaki kagaya ng mataas na bahay malapit sa pampang pero hindi naman masyadong maliit. Isang palapag lang iyon pero malapad ang bahay. Itinabi sanadali ang maleta ni Samantha at saka iniwan siya at nagtungo sa para bang kusina ng bahay. Maya maya ay lumabas siya at may kasama siyang middle-age woman na nakasuot ng apron. Tinignan siya nito mula ulo hanggang paa bago siya binigyan ng isang tipid na ngiti. “Ah. Ma, eto nga po pala si Samantha. Yung rumerenta sa mataas na bahay.” Tumango lang ang babae na kasama ni Toni bago siya tumalikod at bumalik ng kusina. Nil

