Kabanata 37 "Learn how to fight Dana, hindi kita pinanganak para lang saktan at apihin ng ibang tao." sabi ni Mommy ng makalabas kami ng presinto. "They taught me how to fight, My. Hindi ko naman magagawa iyon kung hindi nila sinagad ang galit ko sa kanila." I said. That's the truth, sila ang gumawa sa akin nito para lumaban sa buhay. I just want a chill and happy family but they want to ruin that, so I need to fight to reach the chill and happy life. Kahit gano'n ang inasta ko kanina hindi parin mawala sa akin ang pagmamahal ko sa kanila. Sila ang itinuring kong pamilya sa halos matagal na panahon. Mabuti nga pinakain pa nila ako at binihisan dati kahit gano'n pala ang nangyari sa kanila dati. I'm still thankful... "Let's go home," aya ko kay mommy habang nakatingin sa kanyang cellph

