“Granny! Grandpa!” May lambing at pananabik na sigaw ni Caitlyn habang patakbong sinalubong ang mga magulang ni Bryce. Bakas sa mga mata nito ang galak nang makalapit sa mga magulang ng binata na parehong nakaupo sa wheelchair. May nakatalagang tag-isang nurse na tahimik lang na nasa tabi upang alalayan ang mag-asawa. Sa ikalawang linggo ng pagbisita nila ni Caitlyn sa mga lolo at lola nito ay nagkaroon ng malay si Misis Fischer. Sumunod namang nagising ang esposo nito makaraan ang ikatlong araw. Ayon sa doctor, maaaring nakatulong umano para magkaroon ng malay ang mag-asawa sa araw-araw na pagbisita ni Caitlyn lalo na ang pakikipag-usap nito parati sa lolo at lola nito. Nang sabihin iyon ng doctor ay hindi magawang tumingin sa kaniya ni Bryce. Marahil ay nahihiya itong aminin sa sar

