“Kailangan na nating umahon, umaambon na.” Marahang pukaw ni Bryce kay Alexa na abala pa rin sa pagtatampisaw sa tubig. Nasa harap niya ito, nakapikit ang mga mata at kasalukuyang nakalutang sa tubig kaya kitang-kita niya ang katawan nito na bagama’t may pagka-chubby ay maganda pa rin ang hubog. Nagpapaturo ito sa kaniyang mag-floating sa tubig. Madalas itong lumubog at biglang napapakapit nang mahigpit sa kaniyang balikat. Hindi niya alam kung sinasadya lang ba nito iyon o talagang hindi lang ito marunong. Kung makakapit kasi ito sa kaniyang katawan kapag lumulubog ay para bang sinasadya nitong haplusin ang balat niya. Wala namang problema sa kaniya kung gawin iyon ng dalaga, nobya niya naman ito at ilang buwan na lang ay ikakasal na din naman sila. Sadyang naninibago lang siya sa m

