CHAPTER 5

1518 Words
“Anong oras ka aalis?” tanong ni Bernice sa anak sa nayayamot at naiinip na tinig. Napahinto si Blaire sa pagdidilig ng halaman matapos marinig ang tanong ng kaniyang ina. Tuwang-tuwa siyang pinagmamasdan ang mga bulaklak ng bougainvillea na iba’t iba ang kulay kaya hindi niya namalayan ang paglapit nito. “Good morning, ’My!” sarkastiko niyang bati sa ina pagharap niya dito. Saglit siyang tumalikod at tinungo ang gripo. Pinatay niya ang tubig saka muling itong nilapitan. “Kararating ko pa lang po kahapon. Bakit gusto n’yo na po akong umalis kaagad?” kunwari ay nalulungkot niyang tanong. Mas lalo itong napasimamgot sa sinabi niya. Ipinatong nito ang mga braso sa d*bdib, humugot ng malalim na paghinga saka muling nagsalita, “Tahimik ang buhay namin kapag wala ka. Marami kaming problema ngayon ng Daddy mo. Baka mas lalo siyang mamroblema ngayong isinisiksik mo na naman ang sarili sa ’min,” diretsang sagot nito. Dalawang buwan din siyang hindi nagpakita sa mga ito mula nang pinabalik siya ng kaniyang ama. Nagbakasakali siya na magbago na ang trato ni Bernice sa kaniya sakaling matagal siyang hindi nakita. Pero nagkamali yata siya. Akala niya ay mami-miss siya ng kaniyang pamilya pero mas lalo yatang ikinatuwa ng mga ito ang hindi niya pagpaparamdam. Kagaya noo’y balewala pa rin siya dito. “At saka birthday na ni Alexa sa susunod na linggo. Dito gaganapin ang party sa bahay para tipid na. Baka mamaya gumawa ka na naman ng eksena.” Dagdag pa nito. Nanikip ang d*bdib niya nang muling ipaalala ni Bernice ang tila bangungot na nangyari sa kaniya noong labing walong taong gulang pa lang siya dahilan upang palayasin siya ni Brandon. “Matagal na pong nangyari ang bagay na ’yon, Mommy. Hindi ko ginusto ’yon. Bakit po ba paulit-ulit ninyong isinusumbat at ipinapaalala sa ’kin ang isang pagkakamali sa buhay ko na matagal ko nang pinagdusahan?” Bumigat ang d*bdib niya at mariing ikinuyom ang mga kamao. Sa tuwina ay ipinapaalala ni Bernice ang bagay na pilit niyang kinakalimutan. Hindi niya mapigilan ang pamumuo ng luha sa magkabilang sulok ng mga mata niya nang maalala ang isang pangyayari na nagdulot ng matinding kahihiyan sa kanilang pamilya. Dahil doon ay lumayo ang loob sa kaniya ng kaniyang ama. “Matagal na nga, pero dahil sa ginawa mo kaya hindi na muling nagpa-party pa ang kapatid mo sa tuwing birthday niya. Maging siya ay napahiya dahil sa kalokohan mo. Ngayon na lang ulit niya naisipang magpa-party. Na-trauma siya dahil sa kahihiyang dala mo sa ating pamilya.” Sumbat sa kaniya ni Bernice. Sumungaw sa mga mata nito ang matinding pagkamuhi. “Kung mayroon man pong mas na-trauma, ako ’yon. Ako ang higit na naapektuhan, Mommy.” Makailang ulit niyang ikinurap ang mga mata upang pigilan ang pagpatak ng luha. Nagbara ang lalamunan niya. “Kung hindi ka aalis, siguraduhin mong hindi ka manggugulo. At huwag na huwag ka na ulit gagawa ng kalokohan dahil titiyakin kong mapapalayas ka ulit dito sa pamamahay ko!” Singhal ni Bernice sa kaniya. Dinuro-duro siya nito saka nagmamadaling tumalikod. Nahabol na lang niya ng tingin ang papalayong pigura nito. Hindi niya maintindihan kung bakit tila abot langit ang pagkasuklam nito sa kaniya. Nang tuluyang mawala sa paningin niya si Bernice, sunod-sunod na pumatak ang masaganang luha sa kaniyang pisngi na kanina pa niya pinipigilan. Pilit man niyang tatagan ang loob, hindi pa rin niya maiwasang panghinaan kapag isinusumbat at pinapaalala ng ina ang nagawa niyang pagkakamali. “NANA CEDES, bakit po pala wala na ang kotse ni Daddy sa garahe?” tanong niya sa kaniyang yaya pagpasok sa kusina. Halos inabot siya ng tatlumpong minuto sa garden. Nagpalipas muna siya ng sama ng loob bago niya naisipang pumasok. Mula pagkabata, tuwing nagdaramdam siya ay tumatambay siya sa likod-bahay at inaaliw ang sarili sa pagmamasid sa mga naggagandahang bulaklak. Bahagyang lumingon sa kaniya ang matanda na abala sa paghuhugas ng mga pinagkainan. “Kaaalis lang niya. Hindi mo ba napansin?” “Saan po siya pupunta?” usisa pa niya. Naghila siya ng upuan saka naupo. “Sa grocery. Kulang daw ngayon sa tao kaya ang Daddy mo muna ang gumagawa ng ibang gawain kaya kahit linggo ay umaalis siya para magtrabaho. Huwag kang mag-alala, nakapag-almusal na sila sa kuwarto nilang mag-asawa,” pahayag nito na muling ipinagpatuloy ang ginagawa. “Bakit hindi po siya mag-hire ng bagong employee kung kulang pala?” Nakadama siya ng panghihinayang. Hindi pa siya nag-almusal dahil gusto niyang makasabay ang ama. Kagabi pagkakita nito sa kaniya ay agad na lumiwanag ang mukha nito at maluha-luha siyang niyakap. “’Yan ang hindi ko masasagot, Iha. Hindi naman ako mausisa sa kanila at isa lang naman akong kasambahay,” sagot ni Nana Cedes na pinupunasan na ang kamay ng puting bimpo. “Medyo nangayayat na po si Daddy kumpara noong huling beses na nakita ko siya, Nana,” malungkot niyang sabi. “Pansin ko din. Kaya ikaw, magseryoso ka na sa buhay. Hindi ka na bumabata. Pati ang mga magulang mo nagkakaedad na din. Alam kong mabait kang bata, kilala kita dahil ako na halos ang nagpalaki sa ’yo.” Payo nito sa kaniya sa mahinahong tinig. Si Nana Cedes ang lagi niyang kasa-kasama. Kahit sa pagtulog ay ito ang tumatabi sa kaniya noong maliit pa siya kapag malakas ang ulan at kumukulog. Mas marami pang alam ang yaya niya tungkol sa mga bagay na gusto niya kaysa sa sariling ina. Pinuno niya ng hangin ang baga. “Change topic na nga po tayo, Nana. Kailan po pala ang balik ni Agnes?” Tukoy niya sa isa nilang kasambahay na kaibigan ni Mary. “Kapag malapit na ang pasukan, saka daw siya babalik total eh naririto naman daw si Mary. Gusto daw niyang sulitin ang bakasyon para makasama nang matagal ang mga mugalang at kapatid.” Kumuha ito ng isang tasa at tinungo ang percolator. “Ah, gano'n po ba?” Nang mapansin niyang magtitimpla ang kaniyang yaya ay agad niya itong pinigilan. “Huwag n’yo na po akong ipagtimpla, Nana. Saging na lang muna siguro ang kakainin ko.” Lumapit siya sa may kitchen island at pumilas ng isang saging. “Iwan na muna kita dito, tulungan ko lang maglaba si Mary. Mag-almusal ka pa rin, ha? Kaya ka hindi nananaba,” ani nito bago nagmamadaling lumabas. “May pahabol pang sermon. Si Nana talaga,” natatawang sambit niya. Habang naglalakad palabas ng kusina ay binabalatan niya ang saging. Hindi niya napansin na makakasalubong niya si Bryce na abala naman sa pagdutdot sa cellphone nito. “Bryce!” Napasinghap siya at bahagyang napaatras nang muntik pa siyang bumangga sa malapad na d*bdib ng binata. “I-I’m sorry, I didn’t notice you. Muntik na kitang mabangga tuloy,” pormal ang tinig na sambit ni Bryce. Sandali lang siya nitong pinaraanan ng tingin. Lalampasan na sana siya nito pero mabilis niyang hinarang ang sarili sa daraanan nito. “Grabe! Kung makaiwas ka parang diring-diri ka sa ’kin, ah!” Kinagat niya ang ibabang labi saka ngumiti dito nang nakakaakit. “Ano ba ang kailangan mo?” mariin at tiim-bagang na tanong nito habang nakakunot ang noo. Wala pa man din siyang ginagawa ay naiirita na ito kaya nama’y naisipan niyang inisin ito lalo. “Ikaw...” Turo niya dito. Dinala niya sa bibig ang saging. Isinubo niya ang kalahati niyon bago dahan-dahang inilabas habang mapang-akit na nakatingin sa binata. “B*tch! ” mahinang asik nito, sunod-sunod na napalunok. Nagdidilim ang mga matang tinawid nito ang pagitan nilang dalawa. Mabilis na dumako ang tila bakal na kamay nito sa leeg niya. “Can you just stop bothering me? Para sabihin ko sa ’yo, sobra kong pinagsisihan ang nangyari,” saad nito sabay hawak nang mariin sa kaniyang leeg. Tumaas ang sulok ng labi niya, hindi alintana ang galit na nakikita sa mga mata ng binata. “Nagsisisi ka? Eh kung makatingin ka kanina habang subo ko ’yong saging parang bigla mong naalala ’yong ginawa natin. Sayang nga lang at hindi ko naisubo,” tugon niya sabay tingin sa pagitan ng mga hita nito na namumukol. Muling nanumbalik sa kaniyang alaala ang mainit na pinagsaluhan nila ng binata. Tila may gumuhit na init sa kaniyang kaibuturan na kumalat sa bawat kalmnan niya. “Alexa and I are getting married soon. Sa susunod na ulitin mo pa ang ginawa mo, may kalalagyan ka na sa ’kin,” babala pa nito at mas lalong hinigpitan ang pagkakahawak sa leeg niya. “Bakit, sasampalin mo ba ’ko? Okay lang. Pero huwag kamay ang gagamitin mo, ah,” pilyang sambit niya saka muling tumingin sa nakaumbok sa pantalon nito habang kagat ang ibabang labi. Umangat ang kamay niya at mabilis na dumapo sa braso nitong naglalabasan ang ugat. Tila napapasong binitawan siya ng binata matapos niya itong haplusin. Mas lalong dumilim ang mga mata nito na buong akala ng dalaga ay dahil pa sa galit sa kaniya. Napasinghap siya habang habol ang hininga. Walang salitang tinalikuran siya ng binata. Ngiting tagumpay na hinatid niya ng tanaw ang likod nito na nagmamadaling umalis sa kusina para lang makalayo sa kaniya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD