Matias POV. HABANG nakikinig ako sa usapan nila, unti-unting naging malinaw sa akin ang lahat. Si Gladerious… hindi tunay na anak ng babaeng kinikilala niyang ina. Noong unang lumabas ang resulta ng imbestigasyon, nalaman kong si Remedios ay tunay niyang anak, mula sa ibang lalaki. Isang lihim na itinago sa buong pamilya Cerna. Hindi ko iyon sinabi kay Gladerious. Ayokong mas lalo siyang masaktan. Isa iyon sa mga dahilan kung bakit dinala ko siya rito, para siya mismo ang makaharap ng kanyang mommy. Na hindi totoong namatay kasama ng daddy niya. Ngunit parang gusto kong pagsisihan dahil nakita ko na mas nasaktan lang siya sa mga narinig mula sa bibig ng kanyang ina. Lumingon siya sa akin. “Master M, maraming salamat po. Kung hindi dahil sa’yo, hindi ko malalaman ang totoo… at hind

