“HEY..” Umangat ang tingin ko kay Kobe at nginitian ko siya ng matamis. Nagdadrive ito patungo sa isang resort dahil sa isang event. Sinama niya ako sa birthday party ng pinsan niya. “You okay?” He asked. He’s so handsome with his black suit. “Medyo kinakabahan. What if may mangyari na naman Kobe?” Yumuko ako at pinaglaruan ang kwintas na binigay niya sa akin. Natatakot ako na baka may madamay na naman dahil sa akin. “Walang mangyayari. Stop overthinking.” Inihinto nito ang sasakyan. “We’re here. Let’s go.” Bumaba siya at binuksan ang pinto sa side ko. Sabay kaming pumasok sa resort at sinalubong kami ng isang magandang ginang. “Jakobe!” Lumapit ito kay kobe at hinalikan ang magkabilang pisngi. “Hi tita. This is Dominique, monique this is Tita Getrude.” Pakilala ni Kobe. “Hello

