NANATILI akong nakatitig sa mukha ni Kobe. Patuloy na kumakabog ang puso ko dahil sa muli naming pagkikita. Kung kanina lang hinihiling ko na sana bumalik na siya at makasamang muli at heto na nga siya. Sa harap ko mismo. Nakatayo at nakikipagtitigan sa akin. Our eyes lingered to each other. Pale blue to black. “Sweet—“ Naputol ang sinasabi niya nang bigla ko na lang siyang sampalin sa pisngi. Bumaling ang mukha nito patagilid at sandaling natigilan sa inakto ko. Tumaas-baba ang Adam's apple nito at dahan-dahang bumaling sa akin. Ano bang inaasahan niya? Na yayakapin ko siya with my arms wide open? Malamig ang paraan ng pagtitig niya sa akin at akmang lalapitan ako nang muli kong pinadapo sa pisngi niya ang aking palad. “Dominique..” Ani niya sa hindi makapaniwalang tono. “H’wag kang

