Hindi ko alam kung talagang nasagad ko na naman ang pasensya nitong boyfriend kong ipinaglihi sa sama ng loob. Daig pa ng sasakyan nito ang may pakpak. Aba'y kulang nalang ay lumipad kami. Kahit ako, baka kung hindi lang ako nakakapit mabuti at naka seat belt ay baka nilipad na ako ng hangin. Ang payat ko pa naman at pumayat pa ako dahil kakakain ng dahon at d**o. Buti nga at may lakas pa ako. Pero gutom na talaga ako. As in! Super! Napapito ako ng makarating ang sinasakyan naming eroplano este sports car pala ni boyfriend sa isang kilalang yatch club sa Subic. Nagnining ang mga mata ko ng makita ko ang mga nag gagandang yate na nasa harapan ko na halatang mamahalin. "Magkano kaya ang isa nito? Mukang milyon ang halaga!" Manghang manghang tanong ko sa sarili at Nauna na akong bumaba dito

