Ilang araw na akong hindi pinapansin ni boyfriend simula ng makauwi kami nuong isang araw galing Subic. Tahimik nga lang ito sa sasakyan habang pauwi kami. Tapos pag kakausapin ko sasamaan niya lang ako ng tingin kaya itinikom ko nalang ang napaka daldal kong bibig. Pag tinanong ko naman kung ano na namang problema niya. Isasagot niya sa akin, ako daw. Pag tinanong ko naman kung bakit, hindi na siya sasagot. Samantalang wala naman akong ginagawang mali sa kanya. Hindi ko na nga siya pinansin at ipinakilalang jowa ko sa mga kaibigan niya nagsusunget pa rin. Binusog ko nalang nga ang sarili ko para hindi siya maasar pero ganun pa rin. Magiging mabait lang yata ito sa akin pag nanakawan niya ako ng halik. Lintek talaga! Sasabihin niyang ako ang weird, siya nga ang weird. Magiging mabait tap

