Pag gising ko ay agad na hinanap ng mga mata ko si Maria Angelette Sta. Maria. Pero wala na ito sa couch na naroon. Bigla akong nataranta. Mukang napasarap ang tulog ko. Naligo lang ako ng mabilis at nagbihis ay dali dali na akong lumabas ng kwarto para hanapin ito. Baka mamaya ay kung ano na namang kalokohan ang idagdag nito kapag nakausap na naman ang Mama at Papa. "Manang nasaan si Mama?" Tanong ko sa katulong na nakasalubong ko. "Nasa garden po sila ng girlfriend nyo." Nakangising sagot nito. Agad akong tumalikod. "s**t! Sabi niya sasabihin na niya ang totoo kay Mama! Bakit pati mga katulong sa bahay na ito sinasabi na girlfriend ko siya?" Kausap ko sa sarili ko habang papunta ako sa garden ng bahay kung nasaan si Mama. "I hate her! I hate her! I hate her!" I hissed. Napakamot na

