Chapter 9

1344 Words
I was stunned. Hindi ko kayang i-absorb lahat ng sinabi niya. Natatakot ako na baka kapag tinanggap na nang sistema ko ang mga sinabi niya baka mawala ako. Mawala sa sariling katinuan, ngayon pa nga lang na wala pa akong tinatanggap sa mga sinabi niya ay nawawala na ako sa wisyo. f*****g, no. After that long rant he fell asleep. Hirap akong nilipat siya sa shotgun seat, ako ang nag-uwi sa kanya. Wala si Arjo sa mansion nila kasi umuwi daw siyang condo niya, sila manang ang tumulong sa akin para maiakyat siya sa room niya. Amoy na amoy ko ‘yung alak pero mas nangingibabaw pa rin ang mabango niyang amoy. Inalis ko na lang ang sapatos niya at hinayaan na siya doon. Pagod na ako kaya sa kanila na lang ako natulog ulit. Papahatid na lang ako sa kanya bukas tutal sabado naman bukas. I woke up with the loud noise outside. Bumangon ako only to realize that I wasn’t in our house. Patuloy pa rin ang ingay sa labas kaya bumangon na ako at lumabas. Nagulat ako sa nadatnan ko dahil nakahawak si Prince sa kwelyo ni Tanner habang may dugo na sa labi si Prince. “What’s happening?” Natigil silang dalawa pero ‘yung titigan nila ay parang papatayin na talaga nila ang isat-isa. “Putangina Tanner, dumating ka lang dito. Ang gulo na nang buhay namin,” sigaw ni Prince na mas hinigpitan pa ang hawak sa kwelyo ni Tanner. “What? Is it my fault that you’re not responsible enough to watch over her?” tanong niya sabay tingin sa akin. Naguguluhan ako. Anong nangyayari? Nabasa yata ni Arjo ang iniisip ko kaya siya na ang sumagot. Hindi ko napansin na nandito na din pala siya. “Hinanap ka daw kagabi ni Prince pero nakita ka nung pinagtanungan niya na sumakay sa sasakyan ni kuya Tanner kaya ayan. Patigilin mo ‘yang dalawang ‘yan, Hyacinth. Ang dami kong readings. Hay nako! Huwag kang papatalo sa mga ‘yan. Stay safe.” “Prince, tigilan mo ‘yan. Hinahanap kita pero ang sabi ni Aries nasa dance floor ka. I can’t find you kaya lumabas na ako but I saw Tanner very drunk kaya I took him here. Tara, I’ll treat your pasa.” “Hindi pa tayo tapos, tigilan mo si Hya,” tinuro pa niya si Tanner. “And if I don’t stop, what will you do huh?” sagot naman pabalik ‘nung isa na nakangisi pa. “f**k you.” “f**k you too.” “Bahala kayo sa buhay niyo. Kingina kayong dalawa.” Narindi ako, hindi ko alam ang gagawin kasu naguguluhan din ako sa nangyari sa kanilang dalawa. Lumabas na ako ng mansion nila. Naglakad ako palabas para tumingin ng sasakyan pauwi nang biglang tinawag ako ni Arjo. “Hatid na kita. Wait.” “Naguguluhan ako sa dalawang ugok mong pinsan. What did I do? Simula nang dumating si Tanner naging extra OA na si Prince tapos ‘yang Tanner naman na ‘yang kung ano-anong pinagsasabi sa akin.”  “Sinasabi tulad ng?”  Doon ako natahimik, hindi alam kung paano sasagutin ang tanong niya. “Nevermind,” I sighed. Laking pasasalamat ko na lang na hindi na siya nagtanong pa. Hinatid nga ako ni Arjo and hindi na niya ako kinulit pa. Ano bang nagyayari?  “Thank you.” “No problem. Just don’t mind them.” Iniwasan ko si Tanner sa office at hindi ko pinapansin ang mga texts and calls ni Prince. Natapos na ang internship ko sa Aceres Group, Inc. Naging maganda naman ang performance ko according sa evaluation ko. Iniwasan ko lahat ng pwedeng unnecessary encounters namin ni Tanner. Kapag may trabaho na nasa iisang office kami ay umaakto na lang akong busy kahit nahuhuli ko siyang nakatitig sa akin. Natupad naman ang wish ko na matapos ang internship ko nang matiwasay. Hindi din naman ako ginulo pa ni Tanner. Si Prince ay naging busy din sa kanyang thesis kaya naging lie-low ang buhay ko sa pagkakaroon ng interactions sa mga Aceres. Last day na ngayon ng finals kaya excited na akong umuwi para makapagpahinga. Hindi ko alam kung anong balak ng mga kuya ko sa semestral break ko. Mukhang busy din sila kaya okay lang sa akin na sa bahay na lang din muna. Wala akong masyadong girlfriends kaya wala naman akong maayang gumala. I only have Krishna pero nasa States na siya ngayon because her family was there. “Hyacinth Marie!” Hinanap ko agad ang sumigaw ng pangalan ko, nakita ko si Prince na pababa ng Engineering building. Nami-miss ko na din siyang kasama kaya hinintay ko na lang siya sa baba tsaka it’s been more than two months after that incident. He’s my bestfriend and I can’t just put the friendship to waste just because he is weird. “Hi.”  “Wow! Shy ka?" tawa niya sabay gulo ng buhok ko. I felt relieved because he is still the usual playful Prince I know.  “I missed you,” bulong ko. “Wow, natiis mo nga akong di pansinin tapos mami-miss mo pa la ako. Ako lang ‘to, Hyacinth.” “Ang kapal mo, wala na kasi akong kasamang kumain.” “Pang-kainan lang pala ang kapogihan ko. Aguy! I am hurt.Tara kain us. Tapos na finals e.” Kumain kami ni Prince sa isang restaurant malapit sa university. Nakita din namin ang iba naming kaibigan na nagsasaya dahil tapos na ang finals. “Oh, okay na kayo?” Gulat na tanong ni Brianna kay Prince. Nakita kong dumaan sa mukha niya ang sakit tsaka niya ako inirapan.  “Oh yeah.”  Napansin ko na maluha-luha na si Brianna tapos tumakbo na siya paalis ng restaurant. Tinawag pa siya ng iba ni lang kaibigan pero hindi na siya lumingon pa. “Anong meron kay Brianna? Parang paiyak na siya ‘nung tumakbo siya paalis ng restaurant a.” Tanong ko kay Prince pero nagkibit balikat lang siya, “Hoy ano nga? Gago. Habulin mo nga ‘yun.”  “I don’t know. We were just hanging out ‘nung hindi tayo okay. No big deal.” “Tanga! No big deal? Mukhang big deal doon sa tao,” irap ko sa kanya. “We did not date so what’s the big deal?” “Ewan ko sayo. Ang manhid mo!” Nagagalit nang sinabi ko sa kanya. “Mas manhid ka Hyacinth. Hindi ako ang manhid sa atin.” Tumitingin na ang mga tao sa palagid dahil sa pagsigaw ni Prince. Natulala ako sa sinabi niya. Bakit naman ako magiging manhid? Paano? Iniwan na niya ako doon. Hinabol ko siya dahil naguguluhan na talaga ako sa nangyayari sa amin. “Hoy Prince! Huwag mo akong takbuhan.” Sigaw ko nang nakita kong patawid na siya sa pedestrian papasok ng university. Dinalian ko nang maglakad para maabutan ko siya. Nakita kong sinipa-sipa pa niya ang harap nang sasakyan niya na mukhang galit na galit. Lumapit ako sa kanya. “Ano bang problema mo?” Humarap siya sa akin, “Ikaw. Ikaw ang problema ko.”  “Ha?” “Hayop!”  “Ano nga? Bwisit naman oh.” “Oo. Bwisit naman oh. Ako naman ang palaging nandito para sayo a. Mas nauna naman akong naging parte ng buhay mo pero bakit ganun?” “Pinagsasabi mo?” “Si Tanner, dumating lang siya sa buhay nating lahat nagbago ka na. Iba ang mga tingin mo sa kanya. Akala mo hindi ko napansin na tuwing sabay kayong dumadating sa mansion noong nandun ka palaging kang masaya. Ibang saya, I never seen you that happy whenever you are with me. Ano bang meron siya ha? Ano pa bang kulang sa akin?” May riing sinabi niya sa akin. Sumakay na siya sa sasakyan niya at iniwan niya akong tulala sa parking area ng university.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD