I have to gain my composure; I talked to Tanner to reschedule our talk. Hindi ko alam kung anong alam niya sa nangyari ten years ago. Napagkasunduan namin na sa Sabado kami mag-uusap. Nasa bahay lang ako buong semestral break, walang ganang lumabas dahil wala naman akong kaibigan na maaya. Busy sa trabaho si kuya Maru at Marvin pero thankful ako na they always find time to eat breakfast and dinner with me.
Today is Friday, one fine afternoon of Friday. I am in the living room watching a series in Netflix nang biglang pumasok si kuya Maru na gulo-gulo ang buhok at may pasa pa sa mukha. Natulala ako dahil sa itsura ng kuya ko, he is always prim and he never gets in fights dahil sa kanya nakukuha lahat sa mabuting usapan. Kaya siguro sa aming tatlo siya ang unang nagpatawad kay dad.
I went to him, “Kuya, what happened?” nag-aalalang tanong ko sa kanya.
“Itanong mo sa magaling mong ama!” sigaw niya.
I am shocked; he never raises his voice to anyone even with dad.
“Huh? What happened? Did he hurt you? I will sue that man,” nagagalit na ring tanong ko ngayon.
“Hindi pa rin talaga siya nagbabago. How could he abandon a child? He’s f*****g sick. He don’t deserve any of us. I’ll just rest Hyacinth, wait for Marvin.”
Gabi na nang dumating si kuya Marvin sa bahay na maraming dalang gamit. He is carrying two luggage and a child is following him. She is around 10 years old, she’s wearing an old dress because the color of it is fading. She seems afraid. Nung humarap siya sa akin, I almost fell on the sofa because she look like me. Her skin is just darker maybe because of too much exposure to sunlight.
“Who is she?” I asked kuya Marvin
“Hyacinth, she’s Karina. She is our younger sister,” si kuya Marvin na malumanay ang pagkakasabi ng bawat salita
“Ha? Paano kuya? I don’t understand.”
My hands are now shaking because I cannot absorb everything, my tears are on the verge of falling.
“Let’s all rest first, we will talk first thing in the morning. I know you want to know everything now but you need to rest. We all need to rest. Did you eat?”
“I don’t want to eat. I cannot eat,” tumakbo na ako papuntang kwarto ko.
I locked my room wanting to break everything inside it. What a f*****g asshole for making a f*****g reminder of all he’s cheating activities. I don’t want to blame that kid for being born but she don’t deserve to have a dad like him. I cried until I fell asleep. When I woke up, I just wish that it is just a bad dream pero hindi e. Alas nuebe na nang bumaba ako sa dining dahil pinatawag na ako nila kuya. Umupo na ako sa harap ni kuya Maru na ngayon ay katabi ‘yung batang dala-dala ni kuya Marvin kagabi. Tahimik ang lahat walang balak magsalita.
“Ibalik niyo na lang po ako sa shelter kung hindi po ako welcome dito,” nahihiyang basag ng bata sa katahimikan.
“You are welcome here. Gulat lang kaming lahat kaya ganito ngayon. Mga kapatid mo kami kaya huwag kang mag-isip ng ganyan,” maingat na paliwanag ni kuya Maru sa kanya.
“How old are you?” I asked her.
“Ten po.”
“How is your mom like?”
“Si mama po? Hindi ko po alam e, palagi kasi siyang wala sa bahay. Naiiwan ako lagi kay tito, yung asawa ni mama tsaka sa mga anak niya.”
“Why are you calling him tito?”
“Hindi daw po siya ang tatay ko e, sabi niya sampid lang daw ako sa pamilya nila. Dagdag palamunin lang daw ako.”
“Hindi ka nag-aaral?” I asked her again.
“Nag-aaral po pero madalas po akong hindi pumapasok dahil ako ang pinagbabantay sa maliit naming kapatid. Si tito po kasi laging nag-iinom at nagsusugal.”
“Are you okay?” Naawa na sa kanya ngayon.
Naiiyak na siyang tumitig sa akin, “Hindi po. Binubugbog po ako ni tito kapag lasing siya at kapag umuuwi siyang talo galing sa pagsusugal. Kapag dumadating si mama sa bahay, pinapagalitan din po ako kasi hindi ko daw nirerespeto si tito. Wala daw po akong utang na loob sa kanya. Tinanggap daw niya ako kahit hindi siya ang tatay ko,”
She is now crying. I went to her side and hug her. She cried on my shoulder. I don’t know what to say, even our kuyas are silent. Napagod siguro siya sa kakaiyak nang naramdaman ko na nakatulog na siya sa balikat ko. Ni hindi man lang namin nagalaw ang mga pagkaing nakahanda para sa amin. Kuya Marvin carried her to the room they prepared for her.
I am enjoying all the good things while my sister is there being tortured by abusive demons. How could they do that to a child?
“Walang ginawa si dad?”
“That asshole even tolerated the guy, he paid him money to shut him up. The guy threatened him that he would tell us that he has a kid with the woman he cheated on our mom,” kuya Marvin explained.
Nakakagalit. Wala ba siyang puso, matapos niyang magpakasarap, iiwan na lang niya ‘yung bata. What a f*****g asshole. Tumayo ako at kinuha ang susi ng sasakyan ko.
“Hyacinth saan ka pupunta?” sigaw ni kuya Maru.
“I am going to teach that bastard a lesson. He don’t deserve to live.”
Nag-drive ako papuntang mansion ng magaling naming ama. I am crying because I pitied my sister for experiencing all those things. She don’t deserve it. She’s too young to experience it. Dire-diretso akong pumasok sa mansion. Tinanong ko ang guard kung nasaan siya at sinabing nasa garden siya.
“Hija, you’re here. What--?"
“You are a f*****g animal. I hate you. I hate you to the deepest of hell. How can do that to a child? Hindi mo man lang ba naisip na mararanasan din niya ang mga naranasan ko bilang bata? How can you live in this large house knowing a child is f*****g abused because you do not care about her? How can you sleep at night knowing that you abandoned another child? She don’t deserve to live like that even though her dad is a heartless bastard. You deserve hell,” I shouted my heart out crying in front of her.
“I hope one day you realize how you don’t deserve to be called a father by four amazing children. I hope you all, all of you who abused my sister rot in hell.”
I broke down, I cried in front of my dad. He is just standing there shocked with my outrage. He went to me and tried to me pero tinabig ko ang kamay niya.
“Don’t touch me. Nandidiri ako sayo,” sigaw ko ulit sa kanya.
“Hija, I don’t know that she was—“
“I don’t care about your f*****g reasons. You’re still a bastard.”
He was about to say something but I stormed out of the garden. Umuwi ako nang bahay para alagaan ang kapatid ko. Papasok na ako ng bahay nang makita ko si Tanner na nakaupo sa sofa namin.
Tumayo siya nang nakita akong palapit na, “Hey, are you okay?”
I did not answer him. Sa tanong niya pa lang ay umiyak na ako. Hindi ko na alam ang gagawin, I am furious that my dad ruined all of us. Niyakap niya ako habang umiiyak sa kanya.
“Hush baby, everything will be alright.”
Nang makabawi ako sa pag-iyak ko, “Anong giinagawa mo dito?”
“Our date? You forgot?”
“What date? Did you ask me out?” naguguluhan kong tanong sa kanya, “oh yeah, you want to talk to me about what happened ten years ago.”
“But if you’re not fine, it’s okay. Let’s just go out and grab something to eat.”
“No, I will look for my sister. I am busy.”
“It’s okay, Hyacinth. Kami na muna ang bahala kay Karina,” si kuya Maru na nasa likod na pala namin ni Tanner.
“I want to rest. I’m tired.”
Walang buhay kung sabi sa kanila at iniwan na sila doon. Ayaw kong kaawaan ako ngayon. Pumasok ako sa kwarto ng kapatid ko. Pinagmasdan ko lang siyang natutulog. Ang peaceful niya tingnan pero parang konting galaw lang sa kanya ay matatakot na siya. Pinanood ko lang siya hanggang sa makatulog na din ako sa tabi niya.
Nagising ako alas syete na nang gabi, wala na si Karina sa kama. Nakaayos na din ako ng higa ngayon at may kumot na rin ako. Gutom na ako kaya bumaba na ako sa dining nang makita ko ang mga kapatid ko na naghahanda na ng pagkain.
“Unfair! Bakit hindi niyo ako hinintay?”Lumingon silang tatlo tsaka ngumiti, “ate nagluto ako ng paborito mo. Sabi nila kuya paborito mo daw ‘tong adobong manok na may pinya.” Nahihiyang saad ni Karina.
“Wow, you can cook?” lumapit ako sa kanya at niyakap siya.
“Here are the foods,” napataas kilay ako nang ma-recognize ang boses ng sumigaw galing sa sala.
“Bakit nandito pa siya?” tanong ko sa mga kapatid ko.
Sabay-sabay silang tumalikod sa akin at pinagpatuloy ang ginagawa, iniiwasang sagutin ang tanong ko.
“Hi, you’re awake.”
“Hindi tulog pa ako. Sleep walking, ganun!” iritang pambabara ko sa kanya, “bakit nandito ka pa?”
“They told me I can stay," nginuso niya ang mga kapatid ko.
“Bakit kayo nagpapapasok ng stranger dito?”
“Ate hindi po siya stranger, ang bait nga po niya sa akin e. Tinulungan niya po ako para mahanap kayo,” masayang balita ng kapatid ko, “Kumain na tayo ate.”
We had dinner. Kating-kati na akong magtanong kung ano pinagsasabi ng kapatid ko pero para respetuhin ang mga pagkain sa harapan namin I refuse to ask them. Nagprisinta akong maghuhugas na ang pinagkainan pero ang sinabi lang ni Nana sa akin ay i-entertain ko na daw ang bisita ko.
“Usap muna kayo ni Tanner, Hyacinth. Kami na muna ang bahala kay Karina,” tapik sa akin ni kuya Marvin.
Inaya ko si Tanner sa garden namin para doon makapag-usap.
“Paanong ikaw ang tumulong sa kapatid ko para mahanap kami?”
“I saw her in front of your dad’s company when I had a meeting there last Wednesday. She looks so tired and very pale when I approached her.”
“Hey, are you okay?” I asked the child in front of the Velasco’s building
“Opo. Pwede po bang magtanong?”
“Yes, ano yun?”
“May kilala mo ba kayong Cesar Velasco?”
“Why are you looking for him?”
“She was about to answer me but she fainted. Tinakbo ko siya sa hospital. I don’t know her reason for looking for Mr. Velasco kaya hinatid ko na lang siya shelter nang sabihin ng doctor na pwede na siyang lumabas sa hospital. Nalipasan lang daw siya ng gutom kaya siya hinimatay. Pinakain ko muna siya bago ko siya hinatid sa shelter. I know someone from that shelter so it is easy for me to let her live there.”
“Paano mo nalamang kapatid namin siya?” tanong ko ulit sa kanya
“I went back to the shelter to give her food and clothes and to talk to her.”
“Hey.”
“Hello po sir. Salamat po sa tulong niyo.”
“Why are you looking for Mr. Cesar Velasco?” I asked her.
“Siya daw po kasi ang tatay ko, sabi ni mama. Mayaman daw siya at kapag daw po nahanap ko siya ay hindi na daw po ako sasaktan ni mama at tito. Sinabi po sa akin na humingi ako ng sustento para daw po hindi na kami mag-hirap.”
“I was about to call you but I realized that you loathed your father the first time I see you two in a room so I called your brother instead,” he explained.
“Thank you,” I said genuinely, “for bringing our sister to us.”