LEAH’s POV Hinahatid ko ng tanaw sa labas ng gate ng Galivanio mansion ang papalayong motor ng locksmith na tinawagan ko kanina para palitan ang doorknob ng master’s bedroom. Kailangan kong magdoble-ingat pagkatapos nang nangyari pagsalakay sa akin ng taong nakaitim. Hindi ko pwedeng ipagsawalang-bahala ang nangyaring pag-atake sa akin ng taong iyon sa mismong loob ng kwarto namin ng aking asawang si Abner. Kung nagawa ng taong iyon na makapasok sa loob ng master’s bedroom nang walang kaabog-abog, ang ibig sabihin ay may access ito sa spare key ng kwartong iyon. At sino pa ba ang nakakaalam kung saan nakalagay ang spare keys ng mansyon kundi ang mga tao lang din sa bahay na ito. Nang gabing mangyari ang pagtatangka sa buhay ko ay narito sa malaking bahay sina Leandro, Paeng, Henry, Ali

