CHAPTER 32

2810 Words

LEAH’s POV Wala sa loob na napataas ang aking isang kilay nang makita kong lumabas mula sa loob ng inookupang kwarto ni Tita Vickie ang aking hilaw na manugang na si Henry. Ang pinakadulong silid sa ikalawang palapag ng mansyon ang pinili nitong maging silid-tulugan nang araw na dalhin ko sila ng anak nitong si Krizelle sa mansyon na pagmamay-ari ng aking asawa. Kitang-kita ko ang tumatagaktak na mga pawis sa noo at magkabilang braso ni Henry nang lumabas ito ng kwarto ng aking stepmother. Ang suot nitong puting sando ay halos kumapit na sa katawan nito dahil sa pawisan nitong estado. Kung hindi ko lamang naaalala kung paanong halos isumpa na ako ni Henry dahil sa ginawa nitong pagtataksil sa asawa nito na isinisisi nito sa akin ay iisipin kong may ginawa silang kababalaghan ni Tita Vi

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD