THIRD PERSON POV Halos maglabasan ang mga ugat sa dalawang kamao ni Henry habang mahigpit na nakakapit ang kanyang mga kamay sa gilid ng sink na nasa loob ng banyo sa kanilang bahay ng asawang si Lulu. Hanggang sa mga sandaling iyon ay hindi pa rin siya makapaniwala sa kanyang mga natuklasan mula sa stepmother ng biyenan niyang si Leah. Hindi niya lubos akalain na konektado si Vickie sa lalaking ilang taon na niyang pilit na kinakalimutan dahil sa isang masamang pangyayari. Ang lalaking iyon na siyang dahilan kung bakit nabahiran ng kasalanan ang kanyang mga kamay. Si Philip Lorcano. Ang dati niyang kaibigan at kasamahan sa pabrika noong nagtatrabaho pa siya bilang factory worker sa Galivanio Textile Industry na pagmamay-ari ng kanyang biyenang lalaki na si Abner Galivanio. Ang akal

