Sa loob ng apat na sulok ng opisina g isang babae, makikita ang galit sa kanyang mga mata. Nanginginig ang kanyang mga kamay habang nakikita ang CCTV footage at ang iba pang impormasyon na hawak niya.
Mahigpit ang hawak niya sa ballpen at bigla naman itong nagkaroon ng c***k sa lakas at higpit ng hawak nito.
Malakas niyang ibinagsak ang kanyang mga kamay na naging dahilan para magkaroon ng malakas na tunog sa loob ng kuwarto na kinaroroonan ng babae.
"Mga walanghiya, paano nila nagawa to? Mga wala ba silang puso?" Galit na galit na banggit ni Nella sa bawat letrang lumalabas sa bibig niya.
Sa pagkakataong ito, malakas na bumukas ang pintuan ng kanyang opisina. Bawat madadaanan niyang mga syndalo ay sumasaludo sa kanya pero hindi niya ito binigyang pansin at mabilis siyang nagpasa ng permit para makalabas sa kampo.
Pumayag naman ang nakatataas at kaagad na sumakay si Nella sa kanyang sasakyan at mabilis na nagmaneho papunta sa mansiyon ng mga Ramirez.
Pagkarating nito ay hindi pa maayos ang pagkaka-park ng kanyang sasakyan ay wala siyang pakialam at dere-deretsong pumasok.
Kasalukuyang nasa hapag kainan ang buong pamilya ng Ramirez kasama si Katherine, kulang nalang si Alex pero siyempre nandun siya sa tabi ni Gladys.
Nagulat naman si Valentine at si Lerrione sa pagdating ng kanilang anak na babae, ang alam kasi ng mga ito ay nasa kampo ang dalaga pero narito siya ngayon sa harapan nila at naka kuyom ang mga kamao at matalim ang titig sa kanilang anak na lalaki.
Mabilis na naglakad si Nella at mabilis na hinila ang braso ni Angelo at sabay na sinuntok ang mukha nito. Nagulat naman ang kanilang mga magulang at napatayo naman ang ginang samantalang si Kath naman ay nanlaki ang mga mata at nawalan ng boses ang kanyang mga labi dahil sa nakikita.
Hindi pa nakuntento si Nella at sinuntok niya pa ulit ito sa panga na naging dahilan para dumugo ang ngipin ni Angelo.
Kaagad namang napatayo si Kath nang makita niyang tumalsik si Angelo sa sahig kasama ang upuan niya.
"Angelo!" Sigaw ni Kath at mabilis na lumapit sa binata.
"Nella! Why did you do that? You shouldn't hurt your brother!" Sigaw ni Valentine sa panganay niyang anak pero galit lang siyang tumingin sa ina at sinabi ang mga salitang hindi halos makapaniwala.
"Why shouldn't I hurt him?! He is the reason why Gladys got a miscarriage! Alam mo ang pakiramdam na mawalan ng anak mom! Halos mabaliw si Gladys! Halos mawalan ng buhay si Xander! At yang babaeng yan!" Sabay turo ni Nella kay katherine.
Mabilis niyang hinila patayo ang dalaga at malakas na sinampal na naging dahilan para mamula ang pisngi nito.
"Kulang pa yan! Wala kang kaluluwa! Pati bata pinag initan mo pa! Lumayas ka dito sa pamamahay namin!" Sigaw ni Nella sa pagmumukha ni Katherine.
Hindi naman makapaniwala ang ginang sa narinig, paanong ang anak niya mismo ang gumawa?
Si Lerrione naman ay napahawak na lamang sa kanyang noo at mariing napapikit. May hinala na siya noong makita niya ang reaksyon ng anak ng malaman ang kalagayan ni Gladys pero hinayaan na lamanh niya. Hindi niya naman akalaing magagawa iyon ng kanyang anak.
"This..." hindi naman alam ni Valentine ang sasabihin
Hindi niya akalain na mismong anak niya ang papatay sa kanyang apo.
Paano na lamang kung malaman ito ni Alexander? Ano na lamang ang mangyayari?
Para bang sinagot ang tanong ng ginang ng makita niya ang kanyang bunsong anak na madilim ang aura na papalapit.
Natakot naman ang ginang sa maaaring mangyari kung kaya nung malapit na si Alex sa kinaroroonan ni Angelo ay humarang ang kanyang ina at matapang na hinarap ang anak.
"Don't hurt your brother! You can't hurt your brother!" Sigaw ni Valentine sa bunsong anak nito.
Napakuyom naman ng kamao si Alex at mariing tinitigan ang ina na humaharang sa daraanan niya.
"I can't hurt him?" Mahinang saad ni Alex at nanunuyang ngumiti sa ginang.
"Then does it mean that he can hurt my child?" Tanong ni Alex sa ginang. Hindi naman makapagsalita ang kanyang ina.
"What? Am I wrong, mom?"
"Alex, your brother..... he doesn't know what his doing!"
"Hindi niya alam?!Bakit? Is it because he is crazy?!!" Sigaw ni Alex at dinuro ang kanyang kuya.
"Alexander!! How dare you---!" Pero bago pa matapos ni Valentine ang kanyang sigaw ay napatigil ito sa nakamamatay na tingin ng anak.
"How. Dare. Me? Ngayon nagagalit ka sakin?! Paano ang anak ko mom?!! Anak ko yung usapan natin dito!! Kung ikaw kaya mong kamuhian ang mga magulang mo sa ginawa nila sayo dati, ako kaya kung makapatay ng kapamilya!!" Nanlilisik ang matang nakatingin siya sa kanyang kuya at sa kanyang ina.
"Anak ko yung usapan dito!! Ano sa tingin mo ang gagawin ko pagkatapos kong malaman ang totoo?! Manahimik na lang?! Ha?!!" Sa sigaw niyang ito ay nakita ng buong pamilya ang pagpatak ng luha ni Alex.
"Sobrang sakit! Sobrang hirap ng dinaanan ko! Ang sakit makita na ang taong mahal mo, halos mabaliw na!! Halos mawala na sa katinuan! Wala akong magawa kundi tumingin at hintayin ang paggaling niya! Ang sakit sa pakiramdam mom!" Buong hinanakit na sigaw ni Alex sa ina. Nanlambot naman ang ekspresyon ng kanyang ama dahil alam nito ang pakiramdam.
"Anak ko yun! Apo mo! Tapos mismong anak mo, kapatid ko pa ang may dahilan! Ano sa tingin mo gagawin ko?! Manahimik sa tabi?!" Galit at puno ng hinanakit na sigaw ni Alex sa ginang na ngayon ay umiiyak na rin.
" hindi mo alam yung pakiramdam na naghihintay kung kailan siya gagaling! Kung gagaling pa ba siya! Kung magiging maayos ba ang kalagayan niya!"
"Alex, anak..."
"Hindi mo alam yun! Pero ang tarantadong yan! Pinatay niya ang anak ko! Pagod na akong magparaya palagi mom! Palagi nalang si kuya! Bakit? Dahil ba may mental disorder siya? Ha?!" Napatakip naman ng bibig si Valentine at tinanggap ang mga masasakit na salita ni Alex.
Huminga ng malalim si Alex at nanginginig ang kamao pagkatapos ay napatingin sa kapatid na nasa sahig at dumudugo ang bibig pati ang babaeng namumula ang pisngi.
Dinuro niya ang mga ito at matalim ang tingin sa dalawa.
"Pasalamat ka, ayaw ni Gladys gumanti. Ayaw niyang makasakit ng tao. Kahit alam kong masakit para sa kanya ang pagkawala ng anak namin, tinanggap parin niya. Ayaw niyang gumanti at ayaw niyang may masaktan pa, dahil kung ako masusunod? Ako mismo ang maglilibing sa inyo ng buhay" galit na galit na saad ni Alex.
Napatingin naman ang buong pamilya Ramirez kay Alex na gulat. Hindi nila akalaing hindi niya sasaktan ang kapatid. Matiim na tiningnan ni Alex ang ina at sinabi;
"Kung ako lang masusunod, ayaw ko na kayong makita pa. Pero pasalamat kayo at nakiusap sakin si Gladys na huwag ko nang palakihin pa, na huwag ko na kayong saktan pa." Saad ni Alex sa ina na nakayuko na lamang.
Tumalikod si Alex at nagsalita bago umalis.
"Magpasalamat kayo at hindi siya katulad niyong makasarili at handang makasakit ng tao. Dahil kung ako ang tatanungin niyo, ako mismo ang magpapasok sa inyong dalawa sa mental hospital at sisiguraduhin kong mabubulok kayo dun." Huling katagang iniwan ng binata bago umalis sa lugar na iyon.
Naiwan naman ang kanyang mga magulang at ang kanyang mga kapatid. Nagpapasalamat ang ginang dahil hindi nito sinaktan si Angelo at nagi-guilty dahil sa ginawa ng kanyang anak.
Si Nella naman ay napailing na lamang sa narinig, masyadong mabait ang babaeng minahal ng kanyang kapatid. Pero sana ay hindi na masasaktan si Gladys dahil alam mismo ni Nella, nakakatakot maging masama ang dating mabait.