Napaiyak na lamang si Gladys nang maramdaman na niya ang yakap ng lalaking matagal na niyang hinahanap-hanap. "Alex, miss na miss na kita" humihikbing saad ni Gladys at mas lalo pang sumiksik sa yakap ni Alex. Mahinang napatawa si Alex sa ginawa ng babae at mas hinigpitan din ang yakap pero mabilis na kumawala si Gladys at marahang hinaplos ang pisngi ng lalaki. Mabilis niyang hinalikan sa pisngi ang lalaki, ang mga tao naman na nanonood sa dalawa ay naiiyak at napapayakap sa isa't isa. Sobrang sweet kasi nila, ang mag asawang matagal na hindi nag kita at nung muling nagkita ang dalawa ay para bang hindi na nila kayang mahiwalay pa sa isa't isa. Umasim naman ang mukha ni Ara, hindi kasi matanggap na mas maganda pala ang asawa ni Gabriel. Wala siyang laban eh. Edi sila na maganda ang la

