Tanghaling tapat, napakainit sa bansang Pilipinas na animo'y klima ng disyerto. Sa isang maliit na bahay paupahan ay may isang matandang babae na mabilis na nag i-impake ng mga damit. Mabilis na nilalagay ang mga gamit sa kanyang maleta, nagtataka man si Jamie sa ikinikilos ng kanyang ina, ngunit wala siya magawa kundi tumingin lang sa kanya. Mabilis siyang hinila ni Aling Teresa paalis ng kanilang tinitirhan at tahimik lamang na sumusunod si Jamie sa yapak ng ina. Hanggang sa hindi na nito matiis ang kuryusidad na nadarama. "Ma, saan ba tayo pupunta? Bakit ka ba nagmamadali?" Tanong ni Jamie sa ina nito. "Tumahimik ka at sumunod nalang!" Sigaw ni Aling Teresa sa kanyang anak Bumiyahe sila ng nakatagal na oras at sa wakas ay nakarating na sila sa isang maliit at hindi kilalang probi

