Kinakabahan man si Gladys sa ibabalita ng apat ay kalmado pa rin itong humarap sa kanila at hinintay ay sasabihin ng mga ito. "M-miss, si boss kasi..." nag aalinlangang pagsisimula ni Chain kay Gladys. "Si boss po, naaksidente" mahinang pagdugtong ni Chris sa sinabi ni Chain Sa balitang ito ay parang nawalan ng buhay ang mundo ni Gladys, hindi niya alam kung bakit hindi siya sumigaw at malakas na humihikbi. Tulala lang ang dalaga habang nakatingin sa kawalan, dahan-dahan siyang umupo sa kama at bumuhos nang walang tigil ang luha ng babae. Hindi naman alam ng apat ang nangyari, tahimik lang naman kasi ang babae at patuloy na bumubuhos ang luha nito na para bang isang ilog ngunit hindi ito umiimik. Tahimik lang ito na para bang malalim ang iniisip. Sandaling pumikit ang mga mata ng dal

