Napangiti ang misteryosong lalaki sa mga litratong nakadikit sa pader na nasa harapan niya. May ekis na ang mukha ng maliit na sanggol na hawak ni Harry, ito ay ang isang taong gulang na si Gladys o Beatrice Rose. May nakatarak na dart sa mukha ni Angelo na ibig sabihin ay kontrolado na niya ito. Sa mukha naman ni Alex na seryoso ay may ekis din ang mukha at katabi nito ang mukha ni Gladys na mala anghel ngumiti. Malalim ang iniisip ng lalaki,kailangan niyang malaman ang katauhan ni Gladys, ayaw niyang maging sagabal ang babae sa plano niya. Itinaas niya ang kamay at tinira sa may bandang tiyan ni Gladys at napangiti. Ang pinakabatang Ramirez ay wala na. Hindi niya hahayaang may mabuhay pa na panibagong Ramirez o Santillan. Kinuha niya ang kulay pulang dart at hinagis sa mukha ni Glad

