Kay Yohan at sabrina po iikot ang chapter nato
__________________________________________________
YOHAN POV
Nagdoorbell na ako
*DING DONG* *DING DONG* *DING DONG*
May lumabas na isang kasambahay
Sino po sila?
Ahh ehhh kaibigan ako ni Sabrina -me
Kaibigan? Wala naman po siyang sinabi na may dadating siyang bisita
Dadalawin ko po sana siya okay lang po ba siya? Ilang araw na po kasi siya hindi pumapasok -me
Saglit lang po
Pumasok siya sa bahay nagintay nalang ako sa labas
Sino ba yun?
Kaibigan daw po siya ni sabrina
Kaibigan?
Opo
May lumabas na dalawang babae yung kanina tapos isang matanda na
Iho ano ang kailang nila?
Hello po ako po si Yohan kaibigan po ni sabrina dadalawin ko lang po sana siya ilang araw na po kasi siyang hindi pumapasok -me
Naku! Iho hindi kana mahaharap ng alaga ko
Bakit po? -me
Nilalagnat kasi siya ilang araw na nga siyang hindi lumalabas sa kwarto niya
Nilalagnat po? Pwede ko po ba siya makita kahit saglit lang -me
Sige Halika pumasok ka muna
Pumasok kami sa loob
Ako nga pala si Tess nanay Tess nalang itawag mo sa akin, Maupo ka muna kumain ka naba?
Opo -me
Sa totoo lang hindi pa nakakahiya kasi
Manang nakahanda napo yung pagkain ni Ma'am sabrina!
Narinig ko doon sa kusina may lumabas na babae
Wala na pong palang gamot si Ma'am Sabrina
Wala na?
Opo last na po yung gamot na ininom niya kanina
Sige bibili ako
Saglit lang iho diyan ka muna
Sige po -me
Lumabas na si nanay tess
Nilibot ko yung mata asan kaya yung magulang ni sabrina bakit wala sila dito? Nakita kong iaakyat nung babae kanina yung pagkain
Excuse me pagkain ba yan ni sabrina? -me
Opo sir
Lumapit ako sa kaniya
Pwede bang ako nalang magdala sa kaniya? -me
Mukhang nagaalinlangan siya
Don't worry wala akong gagawin sa amo niyo -me
Sige po
Inabot niya sa akin yung tray
Sa kanan po yung kwarto niya -
Ngumiti ako sa kaniya umakyat na ko nakita ko yung kwarto niya
Tok! Tok! Tok!
Pumasok ako nakita ko siyang nakakumot binaba ko yung tray sa side table niya
Umupo ako sa chair ang himbing niyang natutulog napangiti nalang ako mabuti naman at nakakapagpahinga siya
Inayos ko yung buhok na nakaharang sa mukha niya ang ganda niya sinalat ko yung noo niya mainit pa siya pero hindi na yung mainit na mainit
Ano ba ginawa mo sa akin at nagkakaganito ako sayo?
Biglang namulat siya mukhang gulat na gulat siya nang nakita ako
Anong ginagawa mo dito? -sabrina
Napaayos siya napangiti nalang ako para siyang nakakakita ng multo
Anong nginingiti mo diyan? -sabrina
Wala -me
Kinuha ko yung tray sa side table niya
Kumain ka muna -me
Bakit ka andito? Sino nagpapasok sayo? -sabrina
Si Nanay tess -me
Si Nanay? -sabrina
Tumango ako
SABRINA POV
Pagmulat ko ng mata nakita ko si Yohan anong ginagawa niya dito? Umayos ako
Anong ginagawa mo dito? -me
Nakangiti lang siya
Anong nginingiti mo diyan? -me
Wala -Yohan
Kinuha niya yung tray sa side table ko
Kumain ka muna -Yohan
Bakit ka andito? Sino nagpapasok sayo? -me
Si Nanay tess -Yohan
Si Nanay? -me
Tumango siya
Kumain ka mona wala si Nanay Tess bumili ng gamot mo -Yohan
Ayokong kumain -me
Wala akong gana tapos ang pait pa nang lasa ko
Kaya ka pumapayat -Yohan
Pumapayat daw ilang araw palang naman akong may sakit
Say ahhh -Yohan
Ano ba yang ginagawa mo? -me
Susubuan ka -Yohan
Kinuha ko sa kaniya yung bowl
Ako na kaya ko -me
No -Yohan
Kinuha niya ulit sa akin
May sakit ka kaya ako gagawa nito -Yohan
May mga kamay ako Yohan at hindi sila masakit -me
Alam ko -Yohan
Akina yan ako na -me
No maupo ka lang diyan at ako ang magsusubo sayo -Yohan
Ako na kasi -me
Ako na -Yohan
Ayokong subuan niya baka mamaya masanay ako hanaphanapin ko to ayokong masanay dahil alam ko naman na kaibigan lang turing niya sa akin
Ako na kasi baka mamaya masanay pa ako at hanap hanapin ko to -me
Edi tawagin mo lang ako gagawin ko to araw araw kung gusto mo -Yohan
Dug Dug Dug Dug Dug
Huwag mo akong paasahin Yohan baka mamaya umasa ko sayo ayoko nang masaktan ulit
Sinubuan na niya ako ang kulit niya kasi kaya binabayaan ko na
Tok! Tok! Tok!
pumasok si nanay
Iha eto na yung gamot mo pagkakain mo inumon -nanay
Sige po -me
Sige mauna na ako at may ginagawa pa ko -nanay
Lumabas na siya
Paano ka nga pala nakapasok dito? -me
Si nanay tess pinapasok niya ako dito -Yohan
Sa Gate sa lake wood? -me
Doon ba? Nakita ako ni sophie sinabay na niya ako -Yohan
Napatigil ako
Sophie? -me
Oo kilala mo ba siya ganiyan? din yung reaksyon niya kanina nung sinabi ko na ikaw yung pupuntahan ko -Yohan
H-Hindi ko siya kilala naririnig ko lang yung pangalan niya dito sa lakewood pero hindi ko siya kilala -me
Siguro dahil sa sinabi niya na halos magkakakilala daw yung tao dito sa lakewood -Yohan
Ikaw ba kilala mo siya? -me
She's my Ex -Yohan
Ex? Kung Ex niya si Sophie Ex ko yung husband niya kita mo nga naman ang liit ng mundo
Pero wala na yun matagal na yung nangyari na yun -Yohan
Naka move on kana sa kaniya? -me
Natahimik siya ano kaba sabrina kun ano ano yung tinatanong mo
Oo naka move on na ako -Yohan
Ngumiti lang siya sa akin
Inumin mo na yung gamot mo -Yohan
Binigay na niya sa akin ang gamot binigyan niya din ako ng water
Nasaan nga pala yung mga magulang mo? -Yohan
Wala nagtratrabaho sila sa canada kaming dalawa lang ni nanay dito tapos yung ibang mga kasambahay uuwi lang sila kapag gusto nila -me
Natahimik siya
Si nanay na yung nag alaga sa akin simula nung maliit ako siya na yung lagi kong kasama dito minsan nga iniisip ko kung mahal nila ako kasi kahit na Birthday ko nung bata ako hindi ko man lang magawa na magcelebrate na kasama sila hanggang ngayon din naman eh -me
Huwag mong sabihin yun mahal ka nila kasi anak ka nila wala magulang na hindi mahal ang anak nila -Yohan
Yun din yung sabi ni Eli
Magkapatid nga kayo -me
Ha? -Yohan
Yun din yung sinabi sa akin ni Eli -me
Totoo naman yun, isipin mo umuwi sila dito nung may nangyaring masama sa ibig sabihin nun mahal ka nila at nagtratrabaho sila para sayo namaibigay lahat nang pangangailangan mo -Yohan
Kailangan pa bang may mangyari sa akin para umuwi sila at saka hindi ko kailangan yung mamahalin na materyal na bagay masaya na ako nang makasama ko sila -me
Hindi naman siguro ganun yun sa ikabubuti mo rin naman yung ginagawa nila para sa future mo -Yohan
Kung ginagawa nila yun sana naman bigyan nila ako ng time para makasama sila nagiisang anak na nga lang ako -me
Huwag ka nang malungkot andito ako, kaming mga kaibigan mo pamilya mo kami -Yohan
Turing niya nga lang talaga sa akin kapatid kapamilya
Alam ko naman yun pero iba parin yung kalingan ng magulang yung pagmamahal ng magulang -me
Tama na nga to magbihis ka -Yohan
Saan tayo pupunta? -me
Basta magbihis ka -Yohan
Nakatingin ako sa kaniya eh ano pa ginagawa niya dito kung magbibihis ako don't tell me panonoodin niya akong magbihis kahit na gusto ko siya hindi ko hahayaan mangyari yun nakatingin parin ako sa kaniya
Why? -Yohan
Akala ko ba magbibihis ako labas -me
Namula siya ang cute niya tumayo siya
Sabi ko nga -Yohan
Ang bilis niyang lumabas nakakatawa siya paglabas niya tumayo ako nagbihis ako
YOHAN POV
pagbaba ko pumunta ako sa kusina nilapag ko yung pinagkainan niya sa lababo
Salamat iho -nany tess
Wala pong anuman -me
Nagtataka ako bakit maykaibigan siyang lalaki puro babae kasi yung nagpupunta dito na mga kaibigan niya Jowa kaba niya? -Nanay tess
Naku! Nanay tess hindi po kaibigan niya lang po ako -me
Natawa siya
Grabe naman yung reaksyon mo tinatanong lang naman kita tsk tsk mga kabataan nga naman -nanay tess
Wait lang po -me
Bakit? -Nanay tess
Ipagpapaalam ko lang po sana si Sabrina ilalabas ko lang po siya hindi po kami lalayo -me
Sige masmainam yun makalanghap siya ng sariwang hangin -nanay tess
Salamat po -me
Pero huwag magpapagabi alam mo naman may sakit si sabrina -nanay tess
Opo -me
Sige -nanay tess
Umalis na siya naupo muna ako sa sofa sa sala nila
Maswerte pala kami ng mga kapatid ko at kasama namin yung magulang namin naawa ako kay Sabrina nangngungulila siya sa pagmamahal ng magulang mabuti nalang nandito si nanay tess may kasama siya
Ehem -Sabrina
Bamuba siya nang hagdan
Mukhang pagod ka na yata umuwi ka na nang makapagpahinga ka -Sabrina
Hindi may iniisip lang ako -me
Ano naman iniisip mo? -sabrina
Ikaw -me
Napatigil siya
Ha? -sabrina
Nabingi na bigla siya
Joke lang yun ano tara na -me
Tumayo na ako
Wait lang hindi pa ako nagpapaalam kay nanay -sabrina
Nagawa ko na yan kaya tara na -me
Pinayagan ka niya? -sabrina
Syempre ako pa sa gwapo kong to hindi ako payagan -me
Yabang mo -sabrina
Lumabas na kami ng bahay nila binuksan ko na yung pinto para sa kaniya syempre getleman
Pumasok na ako sa kotse at pinaandar na
__
Dito lang pala tayo pupunta nagaksaya ka pa ng gas -sabrina
Okay lang yun -me
Manong naglakad nalang tayo malapit lang naman -sabrina
Maglalakad ka mabinat ka pa edi kasalanan ko pa -me
Ako pa dinahilan mo sabihin mo tinatamad kalang maglakad -sabrina
Pero totoo yung sinabi niya tinatamad akong maglakad nasa park kami ng lakewood malapit lapit lang sa bahay nila
Umupo kami sa isang bench dun madaming tao mga batang naglalaro kasama yung mga yaya nila
Kawawang mga bata puro yaya nila yung kasama nila parang ako dati halos si nanay yung kasama ko pagpupunta ako sa lugar nato -sabrina
Nakatingin lang siya sa mga bata
Ano ba yan? Kaya nga kita nilabas para hindi ka maging malungkot nun pala magiging malungkot ka din sa labas -me
Hindi naman ako malungkot masaya nga ako dahil kasama kita -sabrina
Bulong niya sa dulo pero narinig ko napangiti nalang ako
Nakita kong may nagtitinda nang ice cream
Bili mo ko nun -sabrina
Nakatingin na din pala siya dun naalala ko yung sinabi ni ayisha na kapag kumakain siya ng ice cream pampawala ng stress niya
Sige diyan ka lang bibili ako -me
Tumango lang siya
Pumunta na ako kay manong
Pabili po magkano po yung Ice cream niyo?-me
May 10, at 15 sa apa at 20 sa cup -manong
Dalawang 15 po -me
Anong flavor? Cheese or chocolate? -manong
Hindi ko pala naitanong sa kaniya kung anong flavor yung gusto niya
Pwede po bang halo? -me
Pwede naman -manong
Sige po halo nalang -me
Yohan!
Nakita ko si sophie kumakaway sa akin lumapit sila sa akin may kasama siyang bata
sophie? -me
Bakit ka andito? Diba andoon ka sa bahay nila sabrina? -sophie
Mommy sino po siya?
Mommy? -me
Axelle siya si Tito Yohan kaibigan siya ni mommy say Hi baby -sophie
Hi po Tito Yohan -me
Hello -me
Anak namin siya ni Arjay -sophie
Sir eto na po yung ice cream -manong
Kinuha ko yung ice cream
Mommy gusto ko pong ice cream -axelle
Sige baby -sophie
Lumuhod ako para mapantayan ko si axelle
Eto oh sayo nalang -me
Huwag na Yohan ibibili ko nalang siya -sophie
Hindi na sayo na to axelle -me
Kinuha ni axelle yung isa tumayo ako
Anong sasabihin? -sophie
Thank you po -axelle
Welcome axelle -me
Ngumiti ako sa kaniya at ginulo yung buhok niya
Magpakabait ka ha huwag matigas ang ulo kay mommy -me
Opo -axelle
Naupo si Sophie para mapatayan niya si axelle pinunasan niya yung mukha nito, napansin ko yung braso niya may pasa nakita niyang nakatingin ako dun tumayo siya at tinago niya yun
S-Salamat sa Ice cream Yohan sige mauna na kami -Sophie
Sige -me
Umalis na sila, tinignan ko lang sila paalis napano yung pasa niya sa braso
SABRINA POV
Nakita kong may lumpit na babae kay yohan si sophie? At may kasama siya bata yung nak niya
Naalala ko yung sinabi ni yohan na ex niya si sophie pinagmasdan ko lang sila iba yung ngiti ni sophie ngayon ko lang siya nakita nung ganun
Napangiti ako nung lumuhod si Yohan at inabot sa bata yung isang ice cream ang bait niya talaga kaya gusto kita eh
Umalis na sila hindi ko maiwasan ng masaktan nang sinundan ng mga mata ni Yohan nang umalis si sophie sabi niya naka move on na siya bakit ganun parang pinapakita niyang hindi pa yumuko nalang ako
Oh -Yohan
Nakita ko yung ice cream cheese at chocolate flavor nakatingin lang ako dito
Hindi mo ba kukunin maluluwas to -Yohan
Kinuha ko sa kamay niya yung ice cream
Yan lang yung binili ko dahil may sakit ka baka lalong lumala kapag madami kang kinain na malamig -Yohan
Thank you -me
Welcome -Yohan
Kinain ko nalang yung ice cream
Napansin kong nakatingin siya sa akin
Gusto mo? Kaya lang may laway ko na -me
Baka kasi gusto niya kaya nakatingin siya sa akin
Hahahahaha -Yohan
Bakit naman siya tumatawa
Bakit ka tumatawa? -me
May kinuha siya sa bulsa niya isang panyo
Ang dumi mo palang kumain ng ice cream -Yohan
Pinahid niya sa pisngi ko yung panyo at sa labi ko
Dug Dug Dug Dug
Para kang bata -yohan
Pinunasan niya lang ako
Oh ayan tapos na wala na -Yohan
Ang bilis ng t***k ng puso ko
___
Sabihin mo sa akin kapag gusto mo nang umuwi -Yohan
Tumango lang ako
Medyo nilalamig na ako pero ayoko pang umuwi
Diyan ka lang may kukunin lang ako sa car -Yohan
Umalis na siya ano naman kaya kukunin nun pinanood ko nalang yung mga batang naglalaro dumami na sila dito sa park hapon na kasi uwiaan na nila kaya naglalaro na sila dito
Naramdaman kong may naglagay ng kung anong bagay sa balikat ko
Para hindi ka lamigin -Yohan
Nilagyan niya ng jacket yung balikat ko
Thank you -me
Naupo na siya sa tabi ko
___
Sige na pumasok kana nang makapagpahinga kana -Yohan
Hindi ka man lang papasok sa bahay? -me
Hindi na pumasok kana at magpahinga -Yohan
Sige magiingat ka -me
Sige -Yohan
Sumakay na siya sa kotse niya pumasok na ako ng bahay
Andito na po ako -me
Lumabas si nanay sa kusina
Asan na yung kasama mo? -nanay
Umuwi na po -me
Ganon ba -nanay
Akyat na po ako -me
Hindi kaba nagugutom? -nanay
Sinlat niya yung noo ko
Hmmm okay kana -nanay
Busog pa naman po ako -me
Sige magpahinga kana tawagin mo lang ako kapag may kailangan ka -nanay
Tumango lang ako at umakyat na ako sa taas pumasok na ako sa kwarto ko
Napansin ko sa salamin na suot ko pa yung jacket niya napangiti na lang ako