"Hindi naman sa nagrereklamo ha pero photo shoot ba talaga itong gagawin natin ? Mukhang magpipicnic lang talaga tayo ah?Ang layo na ng nilakad natin Hector! Nagkasugat sugat na ang mga legs ko!" aniya Kay Hector habang naglalakad silang dalawa paitaas ng mabatong daanan.Sa isang water falls raw sila pupunta ngayon at doon sila kukuha ng pictures . "Ipagpatuloy mo lang ang paglakad okay? Mamaya mawawala ang lahat ng pagod mo kapag nakita mo ang waterfalls na sinasabi ko." sambit sa kanya ni Hector. Nagkibit balikat lamang siya sa lalake at nagpatuloy na sa paglalakad .Ang ibang crew rin ay maraming bitbit na mga gamit, kasama na ang mga pagkaing lulutuin raw nila pagdating sa kanilang venue. Actually,it's okay lang naman.Ngayon lang din siya makakaexperience ng ganitong adventure sa buh

