" A-Aisa..." mahinang sambit ni Hector nang makita siya. Tinawag siya ni Aling Letty dahil pinapatawag daw umano siya ni Hector kaya sumunod naman siya sa loob kung nasaan ang dalawa. Isang oras na ang nakalipas kaya batid niyang tapos na rin ang anuman naging usapan ng dalawa. She already conditioned herself , kung anuman ang maririnig niya buhat kay Hector. Ang ibang mga bisita ay nagpaalam na, bilang kabiyak ni Hector ay siya ang nag-asikaso sa mga ito , Umupo siya sa upuang nasa tapat ni Faye. Nakatingin ang babae sa mukha niya, maluha luha ito. " Asia, sana naman ay hindi ka magagalit sa akin o sa mga anak ko. H-Hindi alam ni Hector na nagkaanak kami, after our divorced nalaman kong buntis ako at kaya ko naman silang buhayin kaya hindi ko na sinabi pa kay Hector. P-Pero sa ngayon,

