Dahil broken ang kanyang bff na si Diane ay hindi siya umalis sa tabi nito.Tatlong araw na ang nakalipas simula nang malaman nito na may asawa na pala ang naging nobyo at ang pagtakwil rito ng sariling pamilya . Panay iyak at kain ito, she understand her.The pain she felt right now is incomparable.Umibig lang naman si Diane sa maling tao, kaya napakasakit rito nang malaman nito ang katotohanan. Sinasabi nitong ayaw na raw ito ngunit alam naman niyang hindi.Malayo na ito sa dating Diane na mabunganga at bibo, ngayon ay tila na nawalan na ito ng sigla . Siya bilang kaibigan ang bumibili ng mga pagkain para rito, lalo na ng mga prutas at gulay na healthy para sa baby. "Asia, we need to pack our things na pala dahil may buyer na itong condo ko.Papa sold this already out of my knowledge!" a

