Matuling lumipas ang ilang minuto at hindi pa rin bumabalik si Koen. Pagsilip niya sa mga Villania, isa-isa nang inilapag ng waiter ang order nila. Tatayo na sana si Rain para kumustahin si Koen nang may lumapit na waiter sa mesa niya at may dalang pagkain. "Hala?" Namilog ang mga mata niya at kumabog nang husto ang dibdib. "Hindi po ako nag-order niyan, sir. Wala pa po ang kasama ko," awat niya sa waiter. Binalewala nito ang sinabi niya at nagtuloy-tuloy sa paglagay ng pagkain sa mesa. "Order po ang mga iyan ng lalaking nasa rest room, ma'am," sabi nito pagkatapos. Pambihira! May nakain kaya siya na hindi maganda? O baka naman... "May idaragdag pa po ba kayo, ma'am?" tawag atensiyon sa kanya ng waiter. "Wala na po. Thank you." Kamot-kamot niya ang gilid ng kilay sa kawalan ng mukha

