"Umuwi ka na nga lang. Baka maabutan pa... tayo... ni..." nabitin ang pagsasalita ni Rain nang maalala ang dahilan kung bakit siya napilitang lumabas kagabi. Kasunod niyon ang pag-angat ng isang kilay ni Koen. "Why?" Hindi niya ito sinagot at basta na lang bumaba ng kama at patakbong lumabas ng kwarto. Tumigil siya sa harapan ng pinto ni Reuben at kumatok roon. "Bro? Nakauwi ka na ba?" tawag niya sa nakatatandang kapatid. "What's wrong?" tanong ni Koen na nakasunod na pala sa kanya. "Si kuya Reuben kasi..." Pansamantalang tumigil si Rainsleth at pinihit ang seradura ng pinto nang wala siyang marinig mula sa loob. "Mukhang hindi na naman siya umuwi." Bumagsak ang mga balikat niya nang bumungad sa kanya ang kapayapaan ng silid. "Kailan pa?" Nagpang-abot ang mga kilay ni Koen nang ling

