Matapos ang mahigit isang linggo na pananatili sa hospital, makakasama na ni Rainsleth sa pag-uwi ang kapatid niyang si Reuben. Naghilom na ang mga sugat sa katawan nito pero naroon pa rin ang mga bakas ng pambubugbog. Maging ang cast sa bisig. Maaga silang nakapag-ayos ng mga gamit na dadalhin pauwi kaya alas nuwebe pa lang, hinihintay na nilang dumating si Selah dala ang sasakyan nito. Ito na ang nagpresinta na ihatid sila pauwi. "Maiwan na muna kita, bro. May kailangan lang akong daanan sa opisina ni Mr. Villania," paalam ni Rain. Hindi na nagsayang pa ng oras si Rain at pinuntahan na agad ang kanyang sadya. Kumatok siya sa pinto ng opisina ni Mr. Villania saka iyon binuksan. Nabitin ang paghakbang niya papasok ng opisina nang mapagsino ang babaeng nakaupo roon. "G-good morning,

