Chapter 29

1016 Words

Maaga pa lang, naghanda na si Rain ng mga kailangan niyang dokumento para sa paghahanap ng trabaho. Hindi pa man nagigising si Reuben, nagawa na niyang makaalis. Ilang metro pa lang ang layo niya mula sa bahay nang tumunog ang ringtone ng kanyang cellphone. Mabilis niyang kinuha iyon mula sa bulsa at tiningnan kung sino ang tumatawag. Nangunot nang husto ang noo ni Rain. "Hello, Koen?" bungad niya matapos sagutin ang tawag. "Saan ang punta mo?" tanong nito mula sa kabilang linya. Mas nadagdagan pa ang linya sa kanyang noo dahil sa tanong nito. "Paano mo..." Nagpalinga-linga siya sa paligid at hinanap ang pigura ni Koen. Nakita niya agad ito na nakasandal sa isang puno. "Ano'ng ginagawa mo riyan? Alas singko y medya pa lang, ah. Wala ka bang klase mamaya?" sunod-sunod na tanong ni Rain

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD