"Hindi pa ba tayo aalis?" Pangungulit ni Franco habang hinihintay niya ang huling report na galing sa sales department. Alas sais na 'yun ng gabi at kanina pa ito nangungulit sa kanya dahil magdi-date daw sila sa Albano Hotel. Hindi siya makatanggi dahil kahit siya ay nananabik na makasama ito nang matagal. "Three minutes to go. Gutom ka na ba?" Hindi sila nakapag-meryenda kanina dahil tumulong pa si Franco sa pag-unload ng mga supplies sa warehouse. Abala naman siya sa maraming trabaho dahil wala siyang assistant sa ngayon. "I am hungry for your kisses..." Lumakad ito palapit sa kanya at siniil siya nang masuyong halik. Masuyo na sa huli ay nauwi sa mapusok na kung hindi lang kumatok ang empleyado ay hindi ito hihinto. Pagdating nila sa Albano Hotel ay tumuloy sila sa isang suite na m

