Franco "Hi, Franco. Ngayon ka pa lang magla-lunch?" tanong ng isang empleyado na nakasabay niyang kumain sa cafeteria. Tipid siyang ngumiti at tumango. "Ngayon lang nakaramdam ng gutom," pabiro niyang sagot. Marami na siyang nagiging kaibigan sa kompanya sa ilang araw pa lang niya dito. Lalo na kapag tumutulong siya sa logistics at sa kung ano-anong gawain sa lobby. Gusto niya rin iyon dahil nawawala ang pagkabagot niya at may natututunan siyang mga bagay bagay. Kaysa nakatanghod lang siya kay Dianne sa maghapon at wala siyang ginawa kung hindi ang pagpantasyahan ito na ikinasasakit lang ng puson niya. "Galing ka ba ulit sa warehouse? Hindi ba't driver ka ni Ma'am Dianne?" "Oo, tumutulong lang ako kapag maraming dumadating na deliveries. Nakakainip kapag ganitong maghapong walang lakad

