CHAPTER 16 HARDTIN POV Maaga pa lang, nasa opisina na ako. Wala si Jessica ngayon, day off niya salamat naman at tahimik ang paligid. Pero kahit wala siya, ang daming iniwan na papeles para pirmahan. Tapos lahat 'to, urgent daw. Ewan ko ba kung sinasadya niya 'yun. Habang abala ako sa pagpirma, dumating ang isa pang istorbo sa katauhan ng kapatid kong si Mharimar. "Kuyaaaa!" sigaw niya na parang tumutunog ang alarm clock ko sa utak. "San punta ng gwapong CEO? Nakapabango ka pa, ha! Hmmm... may date ka no?!" "Business visit lang sa bukid," sagot ko, diretso, kunwari walang kilig. Pero hindi ko rin mapigilang mapangiti ng bahagya. "Business your face. Aminin mo na, miss mo na si Peachay. Napanaginipan mo na naman siya, no? 'Yung sumisigaw ng 'Hardtin, ayan na ko!' habang may fireworks

