CHAPTER 18 PEACHAY POV Maaga akong nagising kinabukasan—at hindi dahil sa alarm ko ha, kundi dahil sa napakalakas na "TOOOT TOOOT!" ng trak sa tapat ng bahay. Pagdungaw ko sa bintana, ayun na nga! Dumating na ang delivery ng mga gamit para sa pechay naming empire! Yung parang SM delivery truck lang pero may kasamang asong tumatahol. Bongga! "Nay! Tay! Dumating na! Gising na, magka-kape tayo mamaya habang nag-iimbentaryo ako!" sigaw ko habang sinusuot ang tsinelas kong may mata sa dulo (design inspired by kalabasa). Paglabas ko, sinalubong ako ng mga workers. Inayos nila lahat: fertilizers, hose, seedling trays, at kung anu-anong gamit pa. Ang saya ko, parang Pasko sa gitna ng taniman. "Tawagan ko nga si Taruts," bulong ko habang tinatype ang pangalan niya sa phone. Tumatawag pa lang a

